تسجيل الدخول“Where is he?” Seryoso ang mukhang tanong ng Daddy niya habang nagdi-dinner sila.Bahagya siyang natigilan sa pagsúbó at nag-iwas ng tingin. “B-bumalik na po ng Manila.”Bahagyang natawa ang Daddy niya nang mapiyok pa siya sa pagsasalita.“Bakit parang kinakabahan ka?” Napangisi ito. “Bukas na ang kasal mo, anak. I told you, you can still back out… like you always do. Just tell me.”Nag-angat siya ng tingin. Nakangiti ito, pero tumatagos ang lungkot sa mga mata ng Daddy niya.Buong buhay niya, palagi siyang tumatakas… ayaw niya ng pinipilit at ikinukulong sa lugar o sitwasyong hindi naman niya gusto. Gusto niyang mamuhay nang payapa. Simple pero masaya. At ang lahat ng ’yon ay naranasan niya sa piling ni Juan Miguel.Mariin siyang napapikit. “Magpapahinga na po ako.”Dire-diretso siyang pumasok sa silid at mabilis na ibinalik sa drawer ang mga inimpake niyang damit. Alam niyang magiging masaya siya sa piling ni Juan Miguel. Pero hindi niya kayang talikuran ang Daddy niya. Hindi na siy
Pupungas-pungas na sumandal sa gilid ng kama si Juan Miguel. Napalingon siya sa babaeng nakadukdok sa gilid ng kama. Hindi nga siya umalis. Hinawi niya ang mga buhok na nakakalat sa mukha nito at maingat iyong ikinawit sa tainga nito.“Whitey…” bulong niya. Agad naman itong nag-angat ng mukha.“Okay ka na ba? Kumusta ang pakiramdam mo? Nagugutom ka ba? Anong gusto mo? Ipagluluto kita.” Sunod-sunod na tanong nito sa kanya habang hinihípo nito ang leeg at noo niya.Kinabig niya papalapit ang baywang nito at mahigpit niya itong niyakap. “I miss you so much, Whitey.” Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya. “Bakit bigla mo na lang akong iniwasan? May nagawa ba ’kong mali?”“Wala.”“Then why?!” Mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya rito.Ang dami niyang gustong sabihin. Ang dami niyang gustong itanong kay Erzel, pero sa kabila ng kagustuhan niyang malaman ang totoo, natatakot din siyang marinig ang isasagot nito.Marahan nitong tinapik ang likod niya. “Juan, please, tama na… tapos
Tahimik na nakaupo sa kama si Erzel, sa loob ng silid niya. Mag-iisang linggo na siya sa Madrigal Mansion, pero hindi man lang niya nagawang lumabas doon.Tapos na ang kontrata nila ni Juan Miguel… at wala na siyang karapatan pang manatili sa tabi nito. Ayaw na niyang maiwanan ulit. Kaya siya na mismo ang gumawa noon. But suddenly… she misses him, and she wants to be with him. Pero hindi na dapat.Kung tutuusin, puwedeng-puwede na nga itong bumalik kay Zunshine. Pero… ang hindi niya maintindihan… ay kung bakit hinahanap pa rin siya nito. Imbes na bawiin ang babaeng gusto nitong pakasalan.Napasinghap siya at walang ganang ibinagsak ang katawan sa kama. Paulit-ulit niyang isinasaksak sa isip na tama lang ang ginawa niya. Pero sa tuwing naiisip niya ’yon, parang may libo-libong kútsilyong tumatama sa dibdib niya.“Miss Erzel, pinapatawag po kayo ng Daddy niyo.”Walang ganang lumabas siya ng silid. Nakita niya ang ama niyang nakaupo sa sofa. Tahimik, habang nililinis ng personal nurse ni
Ibinuka nito ang bibig niya na para bang sinisipat kung nasa bibig pa niya ang bawang. Nang masiguradong wala na ito, pinainom siya nito ng isang basong gatas. Nakatulong naman iyon para mawala ang anghang at pait sa bibig niya.Napangiti siya nang maglapat ang mga labi nila. Parang kagabi lang ay hindi ito marunong humalik, pero ngayon, parang sanay na sanay na itong makipag-espadahan ng dila sa kanya. Hindi niya alam kung parte pa rin ito ng panggagamot ni Erzel o nadadala na rin ito sa init ng katawan nila. Dahil kahit siya, gustong-gusto niya ang masarap na paghalik nito sa kanya. Ang marahang paggiling at pagkiskis ng katawan nito sa kanya.Ano kayang itsura nito habang ginagawa iyon? Nasasarapan kaya talaga siya? Mabilis niyang tinanggal ang piríng sa mga mata niya. Tumambad sa kanya ang kaakit-akit na hubad na katawan ni Erzel na para bang sinadyang pahiran ng chocolate at strawberry.Napakagat siya sa sariling labi habang nakatitig kay Erzel na nakapikit habang gumigiling sa k
Napabalikwas sa kama si Juan Miguel. Mag-isa na lang siya. “Whitey…” tawag niya kay Erzel pero hindi ito sumasagot.Tumayo siya at naglakad palabas ng silid. Pagdating niya sa kusina, natigilan siya nang makitang suot nito ang itim na long sleeve niya. Napalunok-laway na lang siya habang tinitingnan ito mula ulo hanggang paa. Hindi niya alam kung anong espiritu ang sumapi sa kanya nang biglang humakbang ang mga paa niya papalapit dito, at walang pasabing niyakap ito mula sa likuran.Napangiti pa siya nang bigla itong napaigtad sa gulat.“Good morning, Whitey!”Bigla na lang itong kumalas sa pagkakayakap niya. Salubong ang mga kilay nito. “Sino ba sa amin ni Zunshine ang asawa mo?” Kunot-noong tanong nito.“Syempre, ikaw.” Proud niyang sagot.“Pero bakit siya pa rin ang wallpaper mo? Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao kapag—” Agad niyang dinukot ang cellphone at biglang kinuhanan ng picture si Erzel habang galit na nagsasalita.“Look, ang ganda ng wallpaper ko, no? Ni-lock screen k
“Mag-asawa ka diyan?!” Napangiti siya na para bang may naisip na kalokohan. “Gusto mong mag-bonding tayo? Tara… sabay tayong maligo!”Nawala ang ngiti sa labi niya nang humakbang ito papalapit sa kanya. Nagbibiro lang naman siya, pero bakit parang naniwala ito sa sinabi niya?Napasinghap siya nang marahan nitong ikinawit ang buhok niya sa tainga. Bahagyang yumuko si Juan Miguel. “Sure! Basta, hilúdan mo ’ko ha, tapos hihilúran din kita!”Pigil-hininga siya habang nakatitig sa binata. Wala ito sa usapan nila at hinding-hindi siya bibigay sa binata kahit gaano pa ito ka-attractive.“Bastos!” Tinulak niya ito at dali-daling pumasok sa banyo. Mahigpit ang hawak niya sa pinto habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa dibdib niya. Ang bilis ng tibok ng puso niya.“Grabe! Kung lagi siyang didikit sa akin, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.”“Whitey… ayaw mo ba talaga?!” mapang-asar na tanong nito habang kumakatok sa pinto. Walanghiya talaga.“Manahimik ka nga!”Pero mas lalo lang t







