Napahagalpak ng tawa si Erzel. “Sira! Malamang para sa ’yo ’yung isa, alangan namang panoorin mo lang ako habang kumakain.”Bigla namang napangiti si Juan Miguel. Para siyang batang kinilig sa tuwa dahil ngayon lang may nanlibre sa kanya.Agad namang napaawang ang labi ni Erzel sa reaksyon nito. “Don’t tell me, ngayon lang may nanlibre sa ’yo?” Bahagya naman itong tumango.“Madalas kasi, iniisip ng mga tao sa paligid ko. I have everything, na kaya ko namang bilhin lahat ng gusto ko. Kaya kahit birthday ko or may event, walang nagreregalo sa ’kin.”Ang lungkot naman no’n. Kahit pala bilyonaryo, may mga pinagdaraanan din. Bahagya niyang tinapik ang balikat nito. “Hayaan mo, simula ngayon ako na ang bahala sa regalo mo. May matatanggap ka na sa birthday mo, sa Pasko o kahit walang event!”Napangiti naman si Juan Miguel. Hindi niya alam kung dapat ba niyang paniwalaan ang mga sinasabi nito, pero gusto niyang maniwala.“A-ano nga palang ginagawa mo sa hotel kanina, sinusundan mo ba ’ko?”“H
Last Updated : 2026-07-28 Read more