Share

CHAPTER FORTY

last update publish date: 2026-10-21 02:01:18

Walang ganang napaupo si Erzel sa sofa. Ilang araw na silang nakabalik sa Manila. Pero hanggang ngayon, pinipigilan pa rin siyang lumabas ni Juan Miguel. Sobrang bored na siya sa condo, pero natatakot naman siyang may mangyaring hindi maganda kung susuwayin niya ito.

“Bakit may mga pulis?” kunot-noong tanong niya, pero bago pa makasagot si Juan Miguel, may narinig ulit silang putok ng baril. Mabuti na lang at mabilis siyang nahila nito papasok sa loob ng hotel.

“A-ano bang nangyayari?” Nangingi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER FORTY TWO

    Napasinghap si Erzel habang nakasalampak sa banyo. Nilakasan pa niya ang shower para hindi marinig ni Juan Miguel ang paghagulgol niya.Muling bumalik sa isip niya ang katawan ni Mrs. Evangelista na nakasabit sa puno. Mariin siyang napapikit habang umiiling na tila ba inaalis sa isip ang itsura ng ginang.“I’m sorry… sorry… hindi ko po alam… Hindi ko alam na kabit ka lang ng gagóng ’yon… kung alam ko lang… matagal na sana kitang pinalayo sa kanya… hindi ka— hindi ka sana namatay…”Mariin niyang tinakpan ang bibig, pilit na pinipigilan ang paghikbi. “I’m sorry… Mrs. Evangelista.”Paulit-ulit niyang kinakabog ang dibdib hanggang sa mapatingin siya sa mga paa at braso niyang puro sugat.Kung hindi dumating si Juan Miguel… baka kung ano na rin ang nangyari sa kanya.Kusang umangat ang ulo niya nang bahagyang umingit ang píntô. “Sweetheart… hindi ka pa ba tapos? Tara, kain na tayo!”Pilit siyang ngumiti. “Sige, sandali lang.”Paglabas niya, nakahanda na ang pagkain. Napako ang tingin niya

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER FORTY ONE

    “Pakawalan n’yo ’ko rito! Ano ba?!”Nagpupumiglas si Erzel, pilit na hinihila ang mga kamay niyang nakatali sa dalawang magkabilang poste. Pero kahit anong hila niya, hindi siya makawala.“Darling, calm down. Mage-enjoy ka sa gagawin natin. Promise, ipapatikim ko sa ’yo ang sarap na ngayon mo pa lang mararanasan.”Dinuraan niya ito sa mukha. “Nakakadiri ka! Pútángína mo! Nirespeto kita at itinuring na parang tunay kong ama, tapos ito lang ang igaganti mo?!”“Binayaran ko ang serbisyo mo. Sobra pa nga, ’di ba?! At lahat ng sobra, babawiin ko sa paraang gusto ko. After that… quits na tayo.”“Pútángína mo! Kaya kong ibalik sa ’yo lahat ng ibinayad mo, triple pa! Pakawalan mo lang ako!”Parang sinasakal ang dibdib niya. Kasalanan niya ’to, eh. Kung sinunod lang sana niya si Juan Miguel at ang Daddy niya na huwag na munang lumabas ng bahay, edi sana… hindi mangyayari ang lahat ng ’to.Bigla siyang napaliyad nang hatakin nito ang buhok niya.“Hindi ko kailangan ng pera mo! Bóbó ka ba talaga

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER FORTY

    Walang ganang napaupo si Erzel sa sofa. Ilang araw na silang nakabalik sa Manila. Pero hanggang ngayon, pinipigilan pa rin siyang lumabas ni Juan Miguel. Sobrang bored na siya sa condo, pero natatakot naman siyang may mangyaring hindi maganda kung susuwayin niya ito.“Bakit may mga pulis?” kunot-noong tanong niya, pero bago pa makasagot si Juan Miguel, may narinig ulit silang putok ng baril. Mabuti na lang at mabilis siyang nahila nito papasok sa loob ng hotel.“A-ano bang nangyayari?” Nanginginig ang katawan niya sa sobrang takot.Hindi ito sumagot agad. Niyakap lang siya nito nang mahigpit habang marahang tinatapik ang likod niya. “Hindi ko pa alam sa ngayon.”Hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam kung ano talaga ang nangyayari o kung sino talaga ang may balak na saktan sila. Kahit ang Daddy niya, sinabihan siyang mag-ingat at huwag na munang lumabas. Pero hindi siya sanay na walang ginagawa. Paano na lang ang mga clients niyang naghihintay sa kanya?Napabuntong-hininga na lang si

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER THIRTY NINE

    Bakas ang inis sa mukha ni Erzel nang bigla na lang itong tumayo. Pero bago pa siya makahakbang, hinawakan ni Juan Miguel ang kamay niya.“Stay here, I’ll handle it.”Tumango naman si Erzel at naupo sa kama.“Sigurado ka ba?” nag-aalangang tanong nito.Ngumiti lang siya at bahagyang ginulo ang buhok nito. “Don't worry.” Mabilis niyang dinukot ang baril at dahan-dahang naglakad papalapit sa píntó.“Who’s there?!” mariing tanong niya.Walang sumagot. Pagbukas niya ng píntó, walang tao. Naglakad-lakad pa siya sa pasilyo, pero wala siyang nakita.Pumasok siya ulit sa loob ng silid.“Sweetheart, lock the door. Lalabas lang ako sandali.”“Wait, iiwan mo ’ko dito? Sasama na lang ’ko—”“Dito ka na lang, okay? Babalik din ako agad.”She smiled. “Mag-ingat ka, ha? Hihintayin kita.”“Uy… concern ang asawa ko!” Mapang-asar na biro niya.Napanguso ito at hinagisan siya ng unan.“Umalis ka na nga!”Bahagya siyang natawa at hinalikán ito sa noo.Paglabas niya, sinalubong agad siya ng mga tauhan niya

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER THIRTY EIGHT

    Tahimik na nakamasid si Alfred kina Erzel at Juan Miguel na masayang nag-aasaran sa beach. Buong akala niya, nagpapanggap lang na mag-asawa ang mga ito… para guluhin sila ni Zunshine. Pero nagkamali siya.She’s really happy with Juan Miguel. Akala niya, hinihintay pa rin siya ni Erzel. Na magmamakaawa itong bumalik nang magkita sila sa Charity Gala. Mahal na mahal siya ni Erzel noon, pero ngayon… sa iba na siya masaya.Napabuga siya ng hangin… Paano nila nagagawang maging masaya, samantalang sila ni Zunshine…Napalingon siya sa cellphone niyang nakapatong sa mesa nang bigla na lang tumunog ’yon.“Babe—”“Where the héll are you?!” Bigla niyang nailayo ang cellphone sa tainga sa lakas ng boses nito.“Hindi ko pwedeng sabihin sa ngayon, pero ’wag kang mag-alala. Gagawin ko lahat ng inuutos mo… but promise me, after this… magpapakasal na tayo.”“Fine, and make sure… na hindi ka na papalpak!” Saglit itong natahimik. “One more thing, don't forget to buy something for Tito Mike. Siya lang na

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER THIRTY SEVEN

    Bahagyang natawa si Juan Miguel sa tanong ni Erzel. Ito talagang si Whitey, matalino sana… pero medyo slow.“Hoy, ano nga?! Saka sino ba siya? Bakit gano’n ang pangalan niya… parang ang baduy naman.”Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ni Erzel. “Eh, bakit ka interesado? At bakit ka tanong nang tanong?!” Napangisi siya. Pulang-pula ang mukha nito, hindi nga lang niya alam kung dahil sa selos o sa init ng araw.“Tse!” Agad itong umiwas ng tingin.Nagseselos ba siya? Natigil ang pag-iisip niya nang mapansing nanginginig si Erzel. Agad niyang dinampot ang tuwalya at marahang ibinalot sa katawan nito.“Ginawin ka pala, sweetheart—” Bigla siyang natigilan nang irapan siya nito. “Galit ka?” nakangiting tanong niya. “Are you jellyfish, sweetheart?”Tiningnan siya nito nang masama. “Bakit naman ako magseselos? Ako naman ang asawa mo, eh. ’Yung Lezre na ’yon? Ano ba siya sa buhay mo?!” Napasimangot ito at ikinrus ang mga braso sa dibdib.“Asa—”“Wow!” Biglang pinutol nito ang s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status