"Diana, sabihin mo na lang sa akin." Hindi ko kayang tantanan ngayon si Diana hangga't hindi niya sinasabi sa akin ang lahat. "Xian, ano ba? Wala naman ibang nangyari eh. Sabay kaming kinuha ng lalaking 'yon. Ginamit niya kami para sa pera. Tapos, ikaw naman wala kang ibang ginawa hindi ang piliin akong iligtas kaysa kay Xyriel." Sa sinabi niyang ito, tila may kung anong pumitik sa noo ko. Oo naaalala ko palagi na pinili ko nga si Diana. Pero, wala akong ibang ginawa 'di ba? Kundi ang balikan ang lugar para hanapin si Xyriel. Bakit ngayon, parang binabangungot ako sa pagsisisi ko. "Xian, ano ba ang iniisip mo? Iniisip mo bang May mangyaring masama kay Xyriel? Pareho naman natin alam na malakas siya. Marunong siyang tumakas kaysa sa akin. Kung iniisip mo na may kasalanan ka sa nangyari. Sasabihin ko sa 'yo, Xian. Wala kang maling ginawa. Mas maigi nga na kami ang inuna mo ni Sean eh. So, don't worry balang araw uuwi din dito si Xyriel. Hindi naman siya makakatiis sa 'yo. Mah
Last Updated : 2026-09-12 Read more