Kinabukasan, tahimik sa kusina. Si Joanne nagtitimpla ng gatas para sa kambal. Si Miguel nasa sala, maagang dumating, may dalang dalawang paper bag na may lamang bagong uniform at bagong sapatos para kina Yumi at Sky. Isang buwan na mula nung sinabi ni Joanne na hindi pa siya magpapakasal kahit kanino. Mula noon, hindi na muling nanligaw si Miguel. Hindi na rin siya nagdadala ng bulaklak. Ang dala niya na lang palagi — pagkain, gamot, laruan ng mga bata."Maaga ka," sabi ni Joanne nung makita si Miguel."Oo. Sabi ni Yumi kahapon may program daw sila bukas sa school. Gusto ko sana sumama," sagot ni Miguel.Umupo si Joanne sa harap niya. Sa unang pagkakataon sa loob ng matagal na panahon, walang awkward, walang galit. Parang dalawang magulang lang na nag-uusap."Miguel, pwede ba tayong mag-usap? Yong tayong dalawa lang? Tungkol sa mga bata," sabi ni Joanne.Tumango si Miguel. "Sige. Matagal ko na ring gustong pag-usapan yan."Pumunta sila sa garden para hindi marinig ng kambal. Umupo s
最後更新 : 2026-09-06 閱讀更多