Umalingawngaw ang sarkastikong boses ni Mariz, sabay ng malamig na pang-iinsulto ni Yvette.“Joanne, sobra na ang kakapalan ng mukha mo. Pero yong kuya mo na si Anton, mas malala. Hindi niya alam kung saan lugar siya babagay. Palakang gustong kumain ng masarap na pagkain, tapos tinititigan pa pinsan ko?” Sabi ni Yvette na pinsan ni Mariz. Natawa ng malakas sina Mariz at Jasmine nong marinig iyon. Nanigas ang mga daliri ni Joanne. Bigla niyang natanong sa isip Sinundan na naman ba ni Kuya Anton si Leona? Ilang beses na niya binalaan yong kuya niya. Pero tinuturing lang siya ni Leona na parang basahan. Gamitin pag kailangan,ssarin,gawing tanga. Para lang mapansin siya nito. Nakangiting kunwari may concerned si Jasmine. “Yvette, anong nangyari? Paano napasama yong kuya ni Joanne sa pinsan mo?” Tanong ni Jasmine Habang iniisip kung paano siya at si Lele iniwan ni Miguel para kay Joanne, tiningnan niya si Joanne nang may galit na tinatago.Nauna ng sumagot si Mariz habang ma
Huling Na-update : 2026-08-01 Magbasa pa