Nakarating kami sa isang puting sasakyan. Maganda, maliit at kaakit-akit halatang mahal na mahal ang sasakyan na 'yon. "Get in, sumama ka sa akin sa racing." Binuksan ni Dencio ang pintuan ng sasakyan.Saglit akong napaisip bago pa man ako magsalita ulit. "May gusto sana akong kumustahin, ikaw na lang ang magracing," walang alinlangan kong sagot. Isinara niya ang pintuan, buntong hininga at lumapit sa akin. "Where? Ihahatid na kita kung saan man 'ya. It's okay for me, pwede ko naman ipagpaliban ang pagracing. I'm sure nag-umpisa na rin ang iba kong kapatid ngayon. Kaya hindi na rin ako makakahabol." Tingnan mo nga itong si Dencio. Kanina na mimilit tapos ngayon, hay naku ewan ko talaga sa lalaking ito."Sigurado ka ba Dencio? Baka makaabala lang ako sa gagawin mo, eh. Kaya ko naman ang sarili ko. Babalik rin naman agad ako kaya ako na lang mag-isa ang pupunta doon." Marahan akong tumanggi nang sa gano'n ay hindi na ako maka isturbo pa sa kaniya. Nakakahiya naman na ako pa ang magig
Last Updated : 2026-10-11 Read more