NOIME POINT OF VIEW "Ayan, masarap ba Dencio?" Nakangiti kong hinintay ang sagot ni Dencio. Nakatingin lang ako sa kaniya habang hinihigop niya ang bagong luto kong sabaw."Wow! Ang sarap talaga! Kahit nabawasan ang pagiging maasim ang sarap pa rin, Noime. I like it so much!" Tuwang-tuwa ang puso ko na marinig ito. Kaya sana naman ay magustuhan na ito ni Kurt. "Sa tingin mo ba magugustuhan na ito ni Kurt?" pag-aalala ko."Of course, and I'm sure na gusto na rin ang niluto mo kanina," sabay kindat ni Dencio.Mabuti pa itong si Dencio may emotional intelligence. 'Yong Kurt na 'yon? Argh!"Sige puntahan ko na siya ngayon, ah. Huwag mong uubusin agad ang sabaw. Tyaka kapag may dumating na mga kapatid mo bigyan mo rin. Hindi 'yong puro ikaw lang, okay?" "Yes po, masusunod po Inang Reyna," sabay ngiti niya. Nagawa pa talaga niyang magbiro.Nakangiti ko siyang iniwan. Maingat akong naglakad upang magtungo muli sa kwarto ni Kurt. Maingat kong bitbit ang sabaw para masigurado na hindi ako
Last Updated : 2026-10-28 Read more