Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari. Pakiramdam ko may kung anong hidwaan sa pagitan ni Kiarra at Kurt. Pero wala rin akong ibang magagawa kundi ang sumabay sa gusto ni Kurt, dahil trabaho ko ito. "He's willing to do everything, tsk!" malamig at buong boses ni Ruiz. Dahilan na bumaling sa kaniya ang atensyon ko."Ano ang ibig mong sabihin, Ruiz?" mahinahon kong tanong. Binigyan niya lamang ako ng malamig na tingin. Matapos ay agad din siyang umiwas. 'Hay naku, kung gulo ang pinasukan ko. Bakit pa ako pumasok? Sus! Kahit ano naman ang isipin ko at gawin ko. Hindi pa rin ako makakatakas kay, Kurt. Sinabi naman niya 'yon kanina sa akin, hmmm???'"1 million, I'll bet 1milion." Halos manigas ako sa kinauupuan ko. Ang laki naman no'n! Akala ko ako lang ang nagulat. Pero hindi ko inasahan na lahat ng nandito ay nagbulong-bulongan na. Imagine, 1 Million agad bet ni, Kurt? Halos tatlong gabing pagsisiping namin 'yon, ah! "Kurt, I really want that necklace. I love the design and t
Last Updated : 2026-09-21 Read more