Akala ko lilipas na naman ang gabi na badtrip pa rin ako. Hindi ko kasi nagawa ang plano ko. Imbes na siya ang pagtripan ko, ako pa tuloy nadali. Parang naglaho na parang bula ang plano ko. Hindi man ata niya plinano, still, nasabotahe pa rin. I really can’t win against him, and it’s been proven time and time again. Just earlier, too.Gayun pa man, naging maayos naman ang buong gabi ko. Lalo na yung reaksyon niya kanina, ang epek! Nakakawala lang ng stress. Thanks to him kahit napagtripan na naman niya ako."Alam mo, nagiging weird ka na rin. Lagi na lang kita nahuhuling tumatawa mag-isa," sambit bigla ni Alyzza.Magkaharap kami habang nakahiga sa kaniya-kaniyang kama. Patagilid akong nakahilata sa kama, ganoon din ang posisyon niya. "Huwag mo nga akong idamay. Kayo lang 'yon." irap ko sa kaniya. Kanina pa niya ako tinutukso tungkol sa pagtawa ko habang nanghuhuli kami ng palaka. Ayaw ko man aminin pero nagiging weird nga talaga ako nitong nagdaang araw. Sino bang mag-aakala na yu
Última actualización : 2026-09-21 Leer más