Sa isang seafood reastaurant ako dinala ni Yvo. Hindi ito ang unang beses na makapasok ako sa ganitong lugar, pero ganoon pa man, hindi pa rin maalis sa akin ang pagkailang, kaba at takot.Napapakagat sa labing naupo ako sa upuang hinila ni Yvo para sa akin. Nasa pinakasulok kami ng restaurant. Iyon bang kahit igala mo ang tingin ay hindi mo kami makikita. Ewan ko ba kay Yvo, pero mabuti na iyon. Iwas sa mga mata ng ilang mga taong narito.Hindi naman ako ignorante sa ganitong lugar. Alam kong ito ang ilan sa mga pinupuntahan ng mga mayayamang negosyante o mga artista. Alam ko ring mahal sa ganitong restaurant."Anong gusto mong kainin." tanong ni Yvo na ikinatanga ko. Isa pa ito sa problema ko. I have allergies, partikular na sa sugpo. Pero, siguro naman pwede akong um-order ng isda diba?"Ito na lang." sabi ko sabay turo sa picture ng garlic battered salmon."Salmon?" kunot ang noong tanong ni Yvo. May mali ba? "You like the battered prawns the most." Sabi niyang may kalakip na sark
آخر تحديث : 2026-08-13 اقرأ المزيد