Mariing pagpikit at mahabang paghinga ang ginawa ko. Mag-isa ako sa garden habang pilit na tinatanggap ang mga sinabi ni Mama Betty. Jia and I are twins. Kahit siguro hindi kami magpakuha ng DNA test ay mapapatunayang kambal kami. Dahil hindi pa ako nakakakita ng dalawang taong magkamukhang-magkamukha pero hindi magkamag-anak. Ibig sabihin rin ng mga nalaman namin ay hindi kapatid ni Jino si Jia. "Sabi ng Mommy noon, kulang daw ako ng dalawang buwan noong ipinanganak ako. Noong una walang kaso sa akin iyon dahil may ilang tao na ganoon rin noong ipinanganak." Napalingon ako nang may biglang magsalita sa aking likuran. "Pero nang marinig ko ang mga sinabi ni Ate Betty, parang may kung anong nag-uudyok sa aking paniwalaan iyon." "Gusto mong maging magkapatid tayo?" napapangiti kong tanong bago umisod para makaupo si Jia sa tabi ko. "Ayaw mo ba noon? Sa buong buhay ko, lagi kong pinagdarasal na sana may
Last Updated : 2026-09-02 Read more