Irish's POVLumipas ang ilang oras na halos puro trabaho lang ang inasikaso ko. May ilang revisions na kailangang tapusin at may presentation din kaming kailangang ihanda para sa susunod na meeting.Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa paperbag na nasa gilid ng desk ko. Hindi ko alam kung bakit, pero sa tuwing nakikita ko iyon, napapangiti ako.Bandang tanghali, natapos na rin ang manager namin sa pag-discuss ng mga kailangan naming gawin."Okay, that's all for now. You can take your lunch break."Agad namang nagligpit ng gamit si Kate at saka dumiretso sa table ko."Lunch na!" sambit niya. "Irish, tara na!" Tumango ako at isinara ang laptop ko. Iniwan ko na lang sa table ko ang paperbag na puno ng snacks dahil parang mas gusto kong mag pasta ngayon. Pagdating namin sa cafeteria ay nakita namin si Bryson na kakaupo pa lang habang dala ang tray niya ng pagkain."Oh, sakto. Kumpleto na tayo," sambit ni Kate habang umuupo."Akala ko hindi na kayo darating," natatawang sambit ni Bryso
Last Updated : 2026-09-25 Read more