Nagtatakang tiningnan ni Celestine ang reaksyon ni Alessandro. Bakit mukhang shock na shock pa 'tong gago na 'to? Parang siya pa ang inosente, mukhang banal, at nabiktima rito ah! "Bakit ganyan 'yang mukha mo?" iritableng tanong ni Celestine sabay halukipkip at irap. "Why are you so shocked about that? Bakit, totoo naman, 'di ba? Niloko mo 'ko!" "Celestine, wait—let me explain, hindi mo alam ang—" "Don't you dare explain yourself!" mabilis at matalim na putol ni Celestine sa sasabihin nito, sabay angat ng kanyang kamay na parang traffic enforcer para patahimikin ang lalaki. "Naka-move on na ako, okay? No need! At wala ka nang dapat i-explain dahil mismo sa mga mata ko, kitang-kita ko 'yang pangagago mo noon! Kaya 'wag mo 'kong dadaanin sa mga pa-victim mong tingin at pa-acting na parang napagbintangan ka lang diyan!" Aakmang magpapaliwanag ulit si Alessandro at magsisimula nang magsalita habang kunot na kunot ang noo, ngunit wala nang balak makinig si Celestine. Dahil mabilis siyan
Última actualización : 2026-08-14 Leer más