LOGINMARGAIX
Hindi matawaran ang saya ng mga magulang ko ng pumayag si Cloud na palitan ko si Marga, habang ako ay parang robot na pinipindot lang kung anong gusto nilang ipagawa. Wala eh, di ako kasingtapang ni Marga para makipagtanan at iwan ang pamilya. Siya na nga itong naglayas siya pa rin ang hinahanap at pinapaboran. Ako, ayokong mabuhay sa lugar na walang pagmamahal. Kasi yon ang nakgisnan ko. Pero mukhang iyon ang kasasadlakan ng aming buhay ni Cloud hanggang sa bumalik kunyari si Marga. Pero hindi na babalik si Marga at kahit bumalik pa ito ay wala na silang pag.asa. Iba ang mahal ng kakambal ko. "Ma'am, tapos na po tayo. Time to wear your gown." sabi ng make-up artist sa akin. Naputol ang pagmuni-muni ko dahil doon. Bago ako tumayo para isuot ang aking gown ay nagvibrate ang aking cellphone na nasa bulsa ng aking short na suot. Nang tingnan ko. Numero lang ang nakarerhistro kaya binasa ko ang mensahe. - Margaux, patawarin mo ako kung ginamit kita para makawala sa kasal namin ni Cloud. Yon lang ang alam kong dahilan para hindi ako kamuhian ng ating magulang. Hindi ko puwede sabihin ang totoo sa ngayon. Sana maging maligaya ang pagsasama niyo ni Cloud, Margaux. Best wishes- Marga. Napangiti ako ng mapait. Paano magiging masaya ang pagsasama namin kung ang hinahanap ni Cloud ay si Marga at hihintayin niya ang pagbabalik nito. Hindi ko alam kung mapapatawad ko ba si Marga. Napakaselfish niya at ayaw pa niyang magalit sa kanya ang mga magulang namin kaya ako ang ipinain. Ako ang binato ng lahat ng pagsisisi. The wedding went on like nothing happened before that. The venue, the reception, the church, the entourage and all. It was perfectly settled for the country's hottest bachelor Cloud Devron. Nasa loob ako ng bridal car kasama ang coordinator. Naghihintay ng signal kung kailan papasok sa loob. Sarado pa ang p***o ng simbahan. Biglang bumukas ang p***o ng car at dumungaw si Mama na nakangiti pero may ibinulong sa akin. "Be sure to behave, Margaux .We can't afford to ruin the wedding right now."j Tumango na lang ako para walang gulo. It's okpinched my skin to let go of the pain. Yong sakit na alam mong wala kang ginawang masama pero hindi ka nila magawang mahalin. I even breathed deeply. Hindi ako puwedeng umiyak kasi masisira ang make up ko. Maya-maya lang ay nagbigay na ng hudyat Pinalabas na ako sa car at pumuwesto na ako para mag walk sa aisle. All eyes are on me. Tiningnan ko si Cloud na naghihintay sa akin sa altar. He was breathtakingly gorgeous with his suit. Napakaguwapo niya. Pero his eyes and expressions are blank for an obvious reason. Hindi ako ang gusto niyang makitang nakalalakad sa aisle. I suppress the pain and continue my mission to finish the ceremony. Nang dumating na si Cloud para salubungin ako, ni isang yakap o halik kahit pagkukunyari ay wala. Nagpatuloy ang lahat hanggang sa kailangan na nag I do kami ni Cloud. Matagal bago nakasagot si Cloud kahit ang pangalan naman ni Marga naman ang kunyari tinanong. At ako ang sumagot sa lugar ni Marga. Siguradong akong kung siya ang tinanong nito ay hindi ang isasagot niya. Kasi malakas ang loob niya at matapang para ipaglaban ang totoong nilalaman ng puso. "Now, I announce you as husband and wife. You may now kiss the bride." sabi ng officiating priest. Hudyat na ntapos na ang kasal. Ngayon, ano ang susunod. Umalingawngaw ang ingay sa crowd habang unti-unting itinaas ni Cloud ang veil. Tinitigan muna niya ako sandali bago dinampian ng halik sa labi. Napangiti ako kasi para siyang nandidiri sa akin samantalang hindi niya alam na ako ang ka make-out niya noong hapong nagtagpo kami. Akala niya, si Marga pa rin yon. "Why are you smiling?" seryoso niyang tanong habang kunyari ay kinakawayan ang mga tao sa simbahan habang palabas kami para sa recessional. "May naalala lang." tugon ko. Paanong ang isang bilyonaryo ay hindi makaidentify ng difference sa isang tao. Baka habang buhay ko na lang itago ang alaala ng araw na yon. Ini-arrange ng parents namin na hindi na ako sumama sa reception kasi baka makahalata ang mga bisita. Sila na din ang gumawa ng dahilan na masama daw ang aking pakiramdam. I even heard their comments na baka daw buntis na ako, I mean si Marga. For publicity, si Cloud mismo ang naghatid sa akin sa bahay nila ng pamilya nila imbis na sa bahay na pinatayo nito para kay Marga Sa may pintuan niya lang ako ihinatid at sinalubong kami ng isang may edad na babae. "Manang, Ikaw na pong bahala sa kanya. Babalikan ko po muna ang mga kaibigan ko sa reception." kalmado niyang sabi na parang naghabilin lang ng tuta. "Sa kwarto po ba ninyo siya tutuloy,Sir?" tanong ng babae. "Hindi. Doon sa guest room siya matutulog. Ang mga gamit niya ay ipapahatid na lang dito bukas. Sige aalis na ako." Umalis na nga ito pagkatapos. Hindi man lang nagpaalam sa akin na umalis. Katatapos lang ng kasal pero para na akong robot na basta-basta lang iniwan at ang aking mga magulang walang pakiaalam sa puwede kong maramdaman basta lang makuha ang limang bilyong pinangako ng pamilya ni Cloud. "Ma'am, tara na po. Ihahatid na po kita sa magiging kuwarto niyo." malungkot itong nakangiti sa akin. "Manang, alam niyo po bang hindi ako si Marga?" tanong ko "Opo, Ma'am. Ipinaliwanag po lahat ni Sir kanina lang." "Manang, wala po akong nadalang pamalit na damit." nahihiya kong sabi. "Ganoon po ba? Maghahanap po ako sa mga gamit ko. Okay lang po ba yon sa inyo?" tanong niya. Hindi ko siya kaano-ano pero mabuti pa siya may pakiaalam sa akin. "Opo. Salamat po, Manang. Magpapahatid lang po ako ng mga gamit dito. Abala pa kasi ang mga tao sa bahay dahil sa kasal." Naiwan akong mag-isa sa napakalaking silid pagkatapos ng kasal habang sila ay nagsasaya at nagcecelebrate. Habang ako ay nag-iisa, itianago at isinantabi ulit.MARGAIXHindi matawaran ang saya ng mga magulang ko ng pumayag si Cloud na palitan ko si Marga, habang ako ay parang robot na pinipindot lang kung anong gusto nilang ipagawa.Wala eh, di ako kasingtapang ni Marga para makipagtanan at iwan ang pamilya. Siya na nga itong naglayas siya pa rin ang hinahanap at pinapaboran. Ako, ayokong mabuhay sa lugar na walang pagmamahal. Kasi yon ang nakgisnan ko. Pero mukhang iyon ang kasasadlakan ng aming buhay ni Cloud hanggang sa bumalik kunyari si Marga. Pero hindi na babalik si Marga at kahit bumalik pa ito ay wala na silang pag.asa. Iba ang mahal ng kakambal ko."Ma'am, tapos na po tayo. Time to wear your gown." sabi ng make-up artist sa akin. Naputol ang pagmuni-muni ko dahil doon. Bago ako tumayo para isuot ang aking gown ay nagvibrate ang aking cellphone na nasa bulsa ng aking short na suot. Nang tingnan ko. Numero lang ang nakarerhistro kaya binasa ko ang mensahe.- Margaux, patawarin mo ako kung ginamit kita para makawala sa kasal namin n
MARGAUXHindi ako siguradong kung nanaginip ako o totoo ang narinig ko. Para akong may naririnig na umiiyak kaya dahan-dahan kong minuat ang aking mga mata.Napabalikwas ako ng makitang umiiiyak si Marga. Nakasuot ng jeans at nakakacket. Yong parang tipong aalis. Bigla akong kinutuban kaya bumangon ako para tingnan ang aking kakambal."Marga? Aalis ka ba? Bakit ka umiiyak?" naiiyak kong tanong sa kanya. Bigla siyang yumakap sa akin ng sobrang higpit at doon na siya umiyak sa balikat ko. Pagkatapos ng ilang segundo ay tumahan siya at hinarap Ako."Margaux, puwede bang ikaw ang magpakasal kay Cloud?" maluha-luha niyang tanong."Ano? Marga hindi puwede yon. Simula't sapol Ikaw lang ang gusto niya. Masisira ang lahat pag umalis ka. Please stay, Marga." sabi kong hinawakan siya sa kamay."Pero masisira ang buhay ko pag nagpakasal ako sa kanya. Kailangan kong hanapin ang sarili ko, Margaux. I'm not ready to settle down."Hanapin ang sarili your, ass. Akala ni Marga wala akong alam sa rela
Hindi ako makatulog ng gabing yon. Binagabag ako ng aking konsensiya sa mga nangyari at the same time ay minumulto ako ng mga halik at yakap ni Cloud. Parang baliw lang. Binabalikan ng isip ko kung paano nangyari ang lahat. Hanggang sa naisipan kong puntahan si Marga sa room niya. Hindi kaya ng konsensiya ko na itago ang lahat. Mahal ko si Cloud. Lihim ko siyang tinatangi pero mas mahal ko ang kakambal ko. Magkarugtong ang aming bituka. Bumangon ako mula sa kama at ipinatong sa aking nightgown ang aking roba. Pupuntahan ko si Marga. Mas mabuting sa akin manggaling kaysa sa ibang tao na puwedeng dagdagan ang bawat kuwento. At least, deep inside hindi ko ginusto ang nangyaring yon. Pero habang palapit ako sa kuwarto ni Marga, nakita kung lumabas siya mula doon at may kausap sa cellphone niya.Saan siya pupunta sa ganitong oras? Mabilis ang kanyang lakad kaya napagdesisyonan kong sundan siya. Nakasuot ng short at t-shirt si Marga. Hindi kasi siya nagsusuot ng nightggown kasi masyado
MARGAUXPara akong magnanakaw na natatakot mahuli sa kasalanang nagawa pagkatapos ng nangyaring pagtatagpo namin ni Cloud. Nangangatog pa rin ang aking mga tuhod at hindi pa rin tumitigil ang mabilis na pagtibok ng aking puso.Habang pauwi ng mansiyon ay may patingin-tingin pa ako sa paligid at baka may nagtatago at kinuhanan kami ng larawan ni Cloud. Tiyak na magugulo ang kasal nila pag nangyari yon.Pero hindi ko sinadya ang mga nangyari. Gusto ko ring sabihin na hindi ako ang fiancee niya pero lagi niya akong binabara ng kanyang mga halik. Mga halik na nakakalasing at nakakaadik. Hindi niya ako binibigyan ng chance na magpaliwanag kaya nangyari ang bagay na yon. Habang naglalakad na parang espiritong nakalutang ay hindi ko napansin ng may nabangga ako. Kapwa kami nagulat sa pagbanggang yon. "Marga?" "Margaux?"Nagkasabay pa kaming sambitin ang mga pangalan namin. Aligaga rin si Margaux na tulad ko. Lalong lumakas ng kaba sa dibdib ko. Baka nakita niya kami kaya siya nagkaganyan
MARGAUX' S POVAbala ang lahat sa paghahanda para sa nalalapit na kasal. Kaya naman ng bumaba na'ko sa grand living room ay wala man lang nakapansin o bumati sa akin. Para lang akong hangin o anino na dumaan sa kanila. What do I expect? Ganoon naman talaga sila. It does not bother me anymore. Ang importante makita ko ang inaabangan ko tuwing dapit-hapon. Napangiti ako ng paglabas ko ng mansiyon ay nagkulay-kahel na ang langit at unti-unti na nitong sinasakop ang buong kalangitan. "Sunset na." Palundag-lundag pa ako papuntang labasan ng mansiyon. Dinadaan-daanan lang ako ng mga staff namin sa mansiyon. May ibang tinitingnan ako pero sila yong mga baguhan pa lang at hindi pa masyado akong kilala. Nang marating ko ang labasan ng mansiyon ay naghanap ako ng puwesto kung saan ko mapagmamasdan ng maayos ang sunset. Subalit may biglang tumakip sa aking mga mata. Bigla akong kinabahan. Malalaki at mga malalapad na kamay. Sinubukan kong mangapa. Malalapad na dibdib at mga makikisi







