Napakasaya ng kapaligiran sa main lobby ng San Gabriel Provincial Hospital. Pagkatapos ng matagumpay na live broadcast ng GNN News, tila nagkaroon ng maliit na selebrasyon sa gitna ng hallway. Ang mga nurses, utility staff, at maging ang mga junior doctors ay nag-ambag-ambag ng mga simpleng palamig habang nakasalo ang mga maiinit na pastry at hot meals na ipinadala ni Gregory."Heto po, Dok Celeste! Kumuha pa po kayo ng kape!" masayang inabot ni Nurse Sarah ang isang bagong timplang tasa. "Naku, kapag napanood 'to ng Director mamaya, tiyak na baka gawin pa kayong Medical Director rito!"Bahagyang natawa si Celeste habang itinataas ang kaniyang kamay. "Sobra ka naman, Sarah. Masaya na ako na Head Surgeon niyo. Ang mahalaga, ligtas ang lahat ng pasyente at maayos na ang mga kagamitan natin."Nakahinga nang maluwag si Celeste. Sa unang pagkakataon matapos ang napakahabang gabi ng bagyo at pag-opera sa dilim, naramdaman niya ang tunay na saya. Kasama niya ang mga taong tunay na nagpapahal
Last Updated : 2026-08-21 Read more