Pumatak ang alas-diyes ng umaga sa Lungsod ng Makati. Sa loob ng pinakamalaking press conference room ng Health Regulatory Board, punong-puno ng mga mamamahayag, cameraman, at mga kinatawan ng iba't ibang media outlets. Ang lahat ay nakatutok sa anunsyo na inanunsyo lamang kaninang madaling-araw.Sa gitna ng entablado, nakatayo si Astrid Arnaiz.Nakasuot siya ng isang simpleng itim na corporate dress, ngunit wala na ang kayabangan, alahas, o mamahaling aura na karaniwang pumapalibot sa kaniya. Namumutla ang kaniyang mukha, may malalaking itim sa ilalim ng kaniyang mga mata mula sa magdamag na pag-iyak, at nanginginig ang kaniyang mga kamay habang itinutuwid ang mikropono sa kaniyang tapat.Sa gilid ng kwarto, nakatayo si Rocco habang may hawak na telepono. Nakakrus ang kaniyang mga braso at may nakatagong malamig na ngisi sa kaniyang mga labi."3... 2... 1... Live broadcast in 5 seconds," hudyat ng stage manager.Huminga nang malalim si Astrid, pilit na pinipigilan ang panibagong luha
Last Updated : 2026-08-26 Read more