Matapos ang malalim at matamis na halik sa ilalim ng buwan, hindi agad pinakawalan ni Gregory si Celeste. Nanatili ang mga labi nila nang magkadikit nang ilang segundo pa, habang ang mga kamay ng lalaki ay dahan-dahang dumausdos sa likod ng white silk slip dress, hinahaplos ang malambot na balat sa ilalim ng manipis na tela.Nang tuluyang maghiwalay ang kanilang mga labi, hindi umatras si Greg. Sa halip, inilapat niya ang noo sa noo ni Celeste, mahinang humihinga laban sa kaniyang bibig.“Stay like this for a moment,” bulong niya nang malalim ang boses. “I want to look at you. Really look at you.”Ang mga daliri niya ay dahan-dahang umakyat sa likod ng leeg ni Celeste, hinahaplos ang malambot na buhok, saka ibinaba ang kamay pababa sa balikat, sa braso, hanggang sa mahawakan ang maliit na pulso ng doktora. Hinila niya ito pabalik sa kaniyang dibdib, para bang ayaw niyang may kahit anong distansya sa pagitan nila.“You’re trembling,” pahayag ni Greg, may bahid ng ngiti sa boses. “Is it
Last Updated : 2026-09-02 Read more