Mabilis na lumipas ang tatlong taon matapos ang kanilang pangarap na kasal sa Palawan.Sa loob ng panahong iyon, naging tahimik, masaya, at puno ng pagmamahal ang buhay nina Gregory at Celeste sa mansyon na binili ni Greg, dahil alam niyang hindi na sapat ang sa penthouse lang. Si Gabriel—na tatlong taong gulang na ngayon—ay lumaking isang napakatalino, napakagwapo, at napakalikot na bata. Mayroon siyang malalaking madilim na mata na katulad ng sa kaniyang amang si Gregory, ngunit ang kaniyang malambot na ngiti at maunawaing puso ay kuha sa kaniyang inang si Celeste.Isang maaliwalas na umaga sa main kitchen.Nakatayo si Celeste sa harap ng kitchen island habang nag-aayos ng fruit bowl. Bigla siyang nakaramdam ng mahinang pag-ikot ng kaniyang paningin, kasabay ng isang pamilyar na pagkahilo at bahagyang pagsusuka na kanina pa pumupukaw sa kaniyang pakiramdam mula noong nakaraang linggo."Celeste?"Mabilis na lumapit si Gregory mula sa dining table nang mapansin ang bahagyang paghawak
Last Updated : 2026-09-19 Read more