Lumipas ang dalawang linggo ng tahimik at payapang pamamalagi ni Celeste sa dambuhalang penthouse. Sa loob ng dalawang linggong iyon, tuluyan nang naghilom ang kaniyang mga physical injuries. Nakakalakad na siya nang mag-isa nang walang alalay, masigla na ang kaniyang kulay, at hindi na siya nakararamdam ng pagkahilo. Ngunit sa kabila ng kaniyang mabilis na paglakas, nananatiling sarado ang pintuan ng kaniyang nakaraan—wala pa ring kahit isang alaala ang nagbabalik sa kaniyang isip.Gayunpaman, naging panatag ang kaniyang loob. Ang pambihirang pag-aalaga, respeto, at pasensya ni Gregory Lazarus araw-araw ay dahan-dahang nagpalambot sa kaniyang puso.Isang maaliwalas na hapon, nagpaalam si Gregory kay Celeste na kailangan nitong bumaba sa main headquarters ng Lazarus Group para sa isang napakahalagang emergency board meeting kasama sina Rocco." I won't be long, my doctor," baritonong bilin ni Greg habang hinahalikan ang noo ni Celeste bago umalis. " Nurse Sarah is in the kitchen if yo
Last Updated : 2026-09-06 Read more