Sa loob ng Command Van ng Lazarus Vanguard, ang hangin ay napakabigat at tila hindi na makahinga ang kahit sinong pumapasok. Nakatayo si Gregory Lazarus sa harap ng walong malalaking surveillance monitor. Nakabukas ang tatlong button sa kaniyang dress shirt, bahagyang magulo ang kaniyang buhok, at ang kaniyang mga mata—na dati’y laging may kontrol, malamig na kalkulasyon, at absolute dominance—ay nag-aapoy ngayon sa matinding galit, hinagpis, at pambihirang takot. Bawat patak ng segundo sa orasan sa kaniyang bisig ay parang matalim na kutsilyong pumupunit sa kaniyang dibdib. Isang oras na. Isang buong oras nang wala sa kaniyang piling si Celeste. "Boss... sinusuyod na ng Tactical Squad 1 at 2 ang hilagang bahagi ng kabundukan at ang lumang industrial zone," nanginginig ang boses ni Rocco habang inilalapag ang panibagong satellite topographic map sa mesa. "Ngunit malawak ang buong lalawigan ng San Gabriel. Maraming abandonadong pasilidad, lumang bodega, at private properties na pw
Dernière mise à jour : 2026-09-09 Read More