Sa halip na mag stay sa Maynila matapos makalabas sa ospital si Celeste, ipinag-utos ni Gregory na bumalik muna sila sa kaniyang private villa sa San Gabriel. Dito, napapalibutan sila ng matatayog na puno, sariwang hangin mula sa kabundukan, at ng pambihirang katahimikan na kailangang kailangan ng doktora para sa kaniyang mabilis na paggaling. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na nag-iwan ng kahit anong puwang si Gregory para sa panganib. Naka-aktibo ang triple security perimeter ng Lazarus Vanguard sa buong limang hektaryang lupain. May mga perimeter sensors, drone surveillance sa kalawakan, at higit sa tatlumpung piling miyembro ng tactical team ang palihim na nagbabantay sa paligid. Ang villa ay naging isang hindi magigiba at impenetrable na kuta ng pag-ibig at proteksyon. Pagsapit ng hapon, maaliwalas ang sikat ng araw sa may malawak na veranda na nakaharap sa green valley. Nakahiga si Celeste sa isang malambot at malapad na daybed, nakabalot ang kaniyang mga binti ng cream c
Última actualización : 2026-09-10 Leer más