Ang kusina ng Valderama ancestral estate sa Tagaytay ay kasinglaki ng isang commercial kitchen ngunit may init ng isang tradisyonal na tahanan. Ang mga dingding nito ay gawa sa lumang bricks, at ang kisame ay may mga nakasabit na sariwang herbs tulad ng rosemary at basil. Sa gitna ay naroon ang isang malaking wooden table kung saan nakalatag ang sangkap para sa paggawa ng sariwang pasta mula sa simula.Naka-apron si Frances na may kulay cream at nakatali nang maayos ang kaniyang buhok habang nakatayo sa tabi ni Nonna Valentina. Si Rafael naman ay nakatayo sa may pintuan, nakasandal ang balikat sa pader habang pinapanood sila habang umiinom ng tsaa."Listen closely, Francesca," wika ng matanda habang binabayo ang harina sa ibabaw ng lamesa. "A woman who enters the Valderama family must know how to feed her man, but more importantly, she must know how to protect her kitchen. In our world, poison is just as common as a bullet.""Naku Nonna, kung poison lang ang usapan, mas takot pa ako s
Dernière mise à jour : 2026-08-15 Read More