Akala ko pagkatapos ng gabing binomba ko ng caramel smoke bomb ang mukha ng anak ni Master Chen, makakatulog na ako ng mahimbing.Nagkamali ako.Nagising ako sa Villa Valderama hindi dahil sa alarm, hindi dahil sa halik ni Rafael, kundi dahil sa isang malakas na sigaw na nanggaling sa kusina."NASAN ANG PUSA KO?!"Si Sofia. 6:30 AM. Umiiyak.Bumangon ako agad. Si Rafael, kahit may tahi pa sa balikat, mas mabilis pang bumangon kaysa sa akin at kinuha ang baril sa ilalim ng unan. Yes, sa ilalim ng unan. Asawa ko, cartel ghost pa rin kahit nagkakape na lang."Anong nangyari? May kalaban?" tanong niya, inaantok pa pero naka-aim na."Wala, Bossing! Si Sofia lang! Ibaba mo yan!" sabi ko at hinila ko ang braso niya.Pagdating namin sa baba, ang eksena: Si Sofia, nakapink pajama, hawak ang empty cat bowl. Si Gino, nakatayo sa gitna ng kusina, mukhang kagigising lang, hawak ang walis na parang baril. At si Manang, nagluluto ng itlog pero lutang."Yung pusa ko, Mommy! Si Miming! Wala sa kwarto
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-09-13 อ่านเพิ่มเติม