Sa loob ng marangyang penthouse, ang mga bitak ng nakaraang gabi—ang mga banta ng White Syndicate, ang puting maskara, at ang mga digital threat—ay tuluyan nang naging usapan na lamang sa nakaraan. Ang tanging ingay na maririnig ngayon ay ang mahinang tunog ng cartoons sa telebisyon at ang masayang boses ni Sofia habang naglalaro ng kaniyang building blocks.Si Frances ay kasalukuyang nakatayo sa tapat ng kusina, suot ang paborito niyang yellow apron. May hawak siyang sandok habang masayang kumakanta ng isang lumang OPM love song, kahit na medyo sablay na naman ang mga matataas na nota nito. Sa tabi niya, si Rafael ay nakatayo habang nagtitimpla ng kaniyang kape, suot ang simpleng itim na t-shirt at pantalon.Tiningnan ni Rafael ang kaniyang asawa na parang walang kapaguran sa pag-awit habang nag-aagahan. Isang maliit at mapagmahal na ngiti ang sumilip sa labi ng dating Mafia Don."Good morning, my eternal chaos," mahinang boses na bati ni Rafael habang lumapit at dahan-dahang inikuta
Last Updated : 2026-09-05 Read more