“Kurt, Ana, may isa pa akong hiling bago ako mamatay. Sana naman ay mabigyan ninyo ako ng apo sa tuhod!”Napatingin si Ana kay Kurt, na nakaupo sa kabilang dulo ng sofa. Kanina lamang, muntik na nitong aminin sa lolo ang plano nitong magpa-annul. Ngayon, anak naman ang pinag-uusapan.“Grandpa, having a baby is a serious decision,” sabi ni Kurt.“Aba, alam ko! May mga anak din ako. Hindi ko sinasabing bukas ay gusto ko nang may makarga.” Tumawa si Don Alejandro. “Gusto ko lang makalaro ang magiging anak ninyo habang malakas pa ako.”Hindi malaman ni Ana kung ngingiti o malulungkot. Minsan na niyang pinangarap na magkaroon sila ni Kurt ng anak. Inisip pa nga niya kung kanino ito magmamana ng mga mata. Ngunit itinago niya ang pangarap na iyon nang tanggapin niyang hindi siya mahal ng asawa.“Noong nabubuhay pa si Esmeralda, marami rin kaming hindi pinagkasunduan,” kuwento ng matanda. “Nang magkaanak kami, mas natuto kaming maging responsable. Iba ang saya kapag may batang naghihintay sa
Last Updated : 2026-10-24 Read more