“But I'm here with my date tonight.”Nanatiling nakaunat ang kamay ni Kurt. Sa likuran nito, lumapit at huminto rin si Chloe, nakatingin sa kanilang tatlo.“Are you serious, Ana?” tanong ni Kurt.“Opo. Atty, madalas naman po tayong magkasama sa office.”Bumaba ang kamay nito. Nanigas ang panga ng asawa, ngunit hindi na binawi ni Ana ang sinabi.“Attorney Kurt,” magalang na singit ni Xavier, “tatapusin lang namin ang sayaw.”Napatingin si Kurt sa magkahawak nilang kamay.“Grabe naman kayo,” tumawa si Chloe habang lumalapit. “Isang sayaw lang, parang ang seryoso na. Come on, Kurt. Ako na lang ang isayaw mo.”Kumapit ito sa braso ni Kurt. Hindi nakaligtas kay Ana ang matalim na tinging ibinigay nito sa kanya bago ngumiti kay Xavier.“Excuse us,” sabi ni Ana.Bumalik sila sa gitna habang lumalayo sina Kurt at Chloe. Nang makasunod muli sa tugtog, saka siya nakahinga nang maayos.“Kinabahan po ako,” pag-amin niya.“Bakit ka kinabahan? Actually, ako ang kinakabahan. Baka matapakan mo na nam
Last Updated : 2026-10-28 Read more