Nagpatuloy si Kurt sa paglalakad kasama si Chloe, na para bang hindi niya nakita si Ana sa coffee shop.Kinuha ni Ana sa kahon ng bracelet sa bag. Nagtagpo ang kanilang mga mata kanina. Sigurado siyang nakita siya ng asawa. Ngunit ni isang tango ay wala itong ibinigay.“Grandpa, I love Ana. I want our marriage to work.”Narinig niya iyon dalawang gabi na ang nakalipas. Kung mahal na siya ni Kurt, bakit hindi man lamang siya kayang batiin?“Ana, are you okay?”Napatingin siya kay Xavier na nakaupo sa tapat niya. “Yes po, Sir. Sorry, may nakita lang po akong kakilala.”Sinundan ni Xavier ng tingin ang direksiyong pinagmasdan niya, ngunit hindi na nagtanong. Nagpasalamat siya sa katahimikang iyon. Kung nagtanong si Xavier kung sino ang lalaki, hindi niya alam kung paano sasagot nang hindi ibinubunyag ang lihim nilang kasal.“Sir Xavier, gusto ko na po talagang ibalik ito sa inyo.” Itinulak niya palapit ang kahon. “I appreciate what you did at the charity gala, pero hindi po ako komportabl
Last Updated : 2026-10-30 Read more