Napakunot-noo si Kurt sa tanong ni Chloe. Nasa tapat pa rin sila ng condo nito, nakaupo sa loob ng kanyang sasakyan.“What are you implying?”“Napansin ko lang. Buong dinner, ilang beses mong tiningnan ang phone mo.”“Because Ana isn't answering. Kailangan naming pag-usapan ang paghihiwalay namin. That's all.”“Kung legal lang naman, bakit hindi mo ipadaan sa ibang abogado?”Napatitig siya sa ilaw ng lobby. “Mas maayos kung mag-usap muna kami. We're still married, Chloe. May mga bagay na dapat naming linawin bago mag-file ng kahit ano.”“Funny. Dati, ayaw mong makitang kasama siya sa publiko. Ngayon, hindi ka mapakali dahil hindi ka niya kinakausap.”“That's different.”“How?”Hindi agad sumagot si Kurt.Noong magkasama pa sila ni Ana sa opisina, mahigpit niyang ipinagbabawal na banggitin nito ang kanilang kasal. Ngayon, isang diretsahang sagot lamang ang kailangan niya. Dapat maintindihan iyon ni Chloe.“Keeping our marriage private was one thing. Settling our obligations is another.
Huling Na-update : 2026-11-06 Magbasa pa