“Then they'll have to say it in front of me, because I'm not leaving you alone at that party.”Matagal na nakatingin si Ana kay Kurt. Kung noon niya narinig ang pangakong iyon, marahil iisipin niyang nagbibiro lamang ang asawa.“Even if it's your mother or Bianca?”“Even them. If anyone has something to say about my wife, they can talk to me.”Hindi niya alam kung matatawa o maiiyak. Ilang beses siyang napahiya sa harap ng pamilya ni Kurt habang pinili nitong manahimik. Ngayon, ito pa ang nagsasabing ipagtatanggol siya.“Parang hindi ikaw ang kausap ko,” biro niya.“Why?”“Dati, ayaw mong malaman ng iba na asawa mo ako.”Nawala ang ngiti ni Ana. Hindi niya sinadyang gawing seryoso ang usapan, ngunit hindi rin niya kayang bawiin ang sinabi.“I know things were different before,” sagot ni Kurt.Hindi ito nagbigay ng paliwanag. Sa halip, umusog ito palapit at inakbayan siya.“Get some rest. Maaga ang training mo bukas.”Sumandal si Ana sa balikat nito. May mga tanong pa siyang gustong ita
Last Updated : 2026-11-02 Read more