Kinabukasan, hindi pa rin maalis sa isip ni Ana ang halik na ginawa ni Kurt.Sa pasilyo ng Wonder World Resort, nadaanan niya si Chloe na hinihila ang maleta patungo sa labasan. Nagkatinginan sila, ngunit walang bumati. Aalis na si Chloe, samantalang si Kurt, ayon sa narinig niya sa receptionist, ay nagpa-extend ng pananatili.“Ana, good morning.”Si Xavier iyon, may hawak na folder. Sabay silang naglakad patungo sa gusaling pang-opisina, ngunit nang dumaan sila sa restaurant, narinig nila ang pamilyar na tinig ni Don Alejandro.“O, akala ko uuwi ka na?”Nakaupo ang matanda sa isang mesa, kaharap si Kurt.“Grandpa, bakit parang ayaw ninyo akong makasama? Matagal na po tayong hindi nagba-bonding. Sa ibang araw na ako uuwi.”“Ah, akala ko iba ang gusto mong maka-bonding,” panunukso ni Don Alejandro.Nakita sila ng matanda bago pa makasagot si Kurt.“Ana! Xavier! Halina kayo. Maaga pa naman. Mag-almusal muna tayo.”Hindi makatanggi si Ana. Umupo siya sa tabi ni Don Alejandro, habang si Xa
Última actualización : 2026-11-11 Leer más