“Ana, whatever happens in there, stay beside me.”Napatingin si Ana kay Kurt na nakahawak sa seradura ng study room.“Bakit? May dapat ba akong ipag-alala?”“Nothing. I just want you there.”Binuksan nito ang p***o. Naroon sina Don Alejandro, Donya Victoria, at Bianca. May folder at mga dokumento sa mesa.“Halika, hija,” bati ng matanda.Umupo si Ana sa tabi ng asawa. Sa silid ding iyon, noong nakaraang Biyernes, narinig niyang pinag-usapan nina Kurt at Donya Victoria ang pagpapanggap sa kanilang kasal. Ngayon, maririnig niya ang resulta ng kanilang plano.“Matagal ko nang pinaghandaan ang pagreretiro,” panimula ni Don Alejandro. “Gusto kong malinaw kung sino ang mamamahala sa mga negosyo at kung paano ko ilalaan ang sarili kong mga ari-arian.”Binuklat nito ang folder.“Gaya ng inanunsiyo ko kagabi, si Kurt ang magiging pangunahing tagapamahala ng malaking bahagi ng ating mga negosyo. Hindi ibig sabihing personal na niyang pag-aari ang lahat ng pamamahalaan niya.”“Yes, Grandpa. I und
Last Updated : 2026-11-04 Read more