Kinabukasan ay pupunta sila sa kanyang pamilya. Walang tigil si Sierra sa pagkukuwento tungkol kay Cassian sa buong biyahe.“Daddy na po ang tawag ko sa kanya,” masayang sabi nito mula sa likurang upuan. Yakap nito ang teddy bear habang pinagmamasdan ang mga gusaling nadaraanan nila. “Niyakap niya po ako ng mahigpit.”Napangiti si Kiara kahit may kirot sa dibdib.Ilang buwan na rin mula nang huli silang makadalaw ni Sierra. Miss na niya sina Kendra, Klaire, Daddy Danilo, at Mommy Carmela.Pagpasok ng kotse sa bakuran, naghihintay na sa labas ang kanyang pamilya. Kumakaway na sina Kendra at Klaire bago pa siya tuluyang nakapagparada.“Ate!”“Sierra!”Pagkababa ng bata, sinalubong ito ng magkapatid at sabay na niyakap. Lumabas din si Carmela, may hawak pang sandok, habang nakasunod si Danilo.“Ang laki na naman ng apo ko,” sabi ng kanyang ama bago binuhat si Sierra.“Lolo, mabigat na po ako.”“Kaya pa kita.”Hinalikan ni Carmela ang pisngi ng apo bago hinarap si Kiara. “Buti naalala mo p
Last Updated : 2026-08-31 Read more