Kinabukasan, sunod-sunod na dumating ang mga parcel para kay Natasha.Nasa sala si Cassian nang pang-apat na beses tumunog ang doorbell. Pumasok ang kasambahay na may bitbit na tatlong kahon at dalawang malalaking paper bag. Inilapag nito ang mga iyon sa tabi ng iba pang parcel na naunang dumating.Napakunot ang noo niya. “Tash, ano na naman ’tong mga binili mo? Na-max out mo na ang credit card mo.”Naupo si Natasha sa carpet at nasasabik na binuksan ang pinakamalaking kahon. “Love, mga gamit namin ni Caleb ’yan.”Ngunit nang alisin nito ang bubble wrap, sunod-sunod na lumitaw ang dalawang branded na handbag, tatlong pares ng sapatos, imported na cosmetics, at mga bagong damit. Wala ni isang pambata sa mga iyon.“Para kay Caleb ba ang mga sapatos na ’yan?” tanong niya.Natigilan si Natasha bago tumawa. “Darating pa siguro bukas ang sa kanya. Hiwalay kasi ang seller.”Umigting ang panga ni Cassian. Hindi niya iniinda ang presyo ng mga binili nito. Kaya niyang bayaran ang lahat. Ang ikin
Last Updated : 2026-08-27 Read more