Nanatili ang wedding ring sa ibabaw ng mga dokumentong kapipirma lamang ni Kiara.Napako roon ang tingin ni Cassian. Iniangat nito ang isang kamay at tila aabutin ang singsing, ngunit huminto ang mga daliri nito bago iyon mahawakan.Ilang segundo ang lumipas bago nito ibinalik ang kamay sa ibabaw ng desk.“Maaari ka nang umalis.”Malamig ang boses nito, ngunit hindi nakaligtas kay Kiara ang paggalaw ng panga nito.“At huwag na huwag kang lalapit sa akin para humingi ng tulong,” dagdag nito. “Anuman ang mangyari sa iyo pagkatapos nito, wala na akong pakialam.”Hindi na kumibo si Kiara.Kahit peke ang pagtataksil niya, alam niyang masakit ang mapagtaksilan. Nauunawaan niya ang galit ni Cassian, ngunit hindi niya maaaring sabihin ang katotohanan nang hindi muling isinusuko ang kalayaang ipinaglaban niya.“Nga pala,” sabi nito bago siya makatayo, “last day mo na rin dito sa Montecillo Fine Jewelry. Hindi mo na kailangang tapusin ang natitirang mga araw ng turnover. Ibibigay sa iyo ang last
Last Updated : 2026-08-25 Read more