Chapter 32Alessandra’s POVNagmadali akong pumasok sa kotse ni Andrei at hindi ko na muling nilingon si Max.Ayoko na.Ayokong makita ang mukha niya dahil alam kong sa isang tingin lang niya, kaya niyang guluhin na naman ang isip ko.Kayang-kaya niyang payanigin ang mundo ko.Madalas nakakainis na at nakakagigil.Bakit kasi naimbento pa ang pagseselos na iyan?Nakakasura na.Tapos hinalikan pa niya ako.Napahawak ako sa labi ko nang hindi ko namamalayan.Ramdam ko pa rin ang init ng halik niya.At iyon ang mas nakakainis.Sa totoo lang, gulong-gulo na ako.May nagsasabi sa isang bahagi ko na, sige, bumigay ka na.Gustong-gusto mo iyan, di ba?Mayroon ding nagsasabi, tumigil-tigil ka, Alex. Nalimutan mo na ba ang ginawa niya?Oo.Labis niya akong nasaktan.Sobra.Hindi ko madaling makakalimutan ang lahat ng ginawa niya sa akin. Hindi sapat ang isang halik para burahin ang mga gabing umiyak ako. Hindi sapat ang isang yakap para mawala ang sakit na pinagdaanan ko. At lalong hindi sapat
Last Updated : 2026-09-27 Read more