LOGINANG NAWAWALANG TAGAPAGMANA “I'm sorry, Alessandra… mayroon kang breast cancer.” Sa isang iglap, gumuho ang mundo ni Alessandra Perez, isang ulilang buong buhay na naghahangad ng pamilyang magmamahal sa kanya. Akala niya ay natagpuan na niya ang kanyang tahanan nang pakasalan niya ang bilyonaryong si Maximus Craig. Ngunit isang malupit na kasunduan sa negosyo ang nagpilit kay Maximus na iwan ang babaeng pinakamamahal niya. Sa halip na protektahan si Alessandra, ang paghihiwalay nila ang nagdala sa kanya sa matinding pagdurusa. Iniwan, minamaliit, at nag-iisa, hinarap ni Alessandra ang kanyang karamdaman hanggang sa mawalan siya ng pag-asa. Ngunit bago tuluyang sumuko, isang misteryosong lalaki ang dumating upang iligtas siya. Ginastos niya ang kanyang kayamanan para sa pagpapagamot ni Alessandra at itinuring itong parang sariling anak. Hanggang sa mabunyag ang isang nakakagulat na katotohanan. Si Alessandra ay hindi isang ordinaryong ulila. Siya ang nawawalang tagapagmana ng makapangyarihang Pamilyang Montealto, at ang anak ni Rosalind Castillo, isang babaeng inakalang patay na. Ngunit sino ang nagnakaw sa kanya? At bakit kailangang burahin ang kanyang pagkatao? Nang muling magtagpo sina Alessandra at Maximus, muling nagliyab ang pag-ibig. Ngunit sapat ba ang pag-ibig upang talunin ang pagtataksil, lihim, at kamatayan?
View MoreChapter 1
Alessandra’s POV
Hindi ko akalaing darating ang araw na sabay-sabay akong luluhod sa bigat ng mga pagsubok.
Iniwan ako ni Max noong kailangang-kailangan ko siya.
Kasal kami, pero dahil sa kanyang kayamanan at impluwensya, napakadali niya akong naidispatsa na parang wala kaming pinagsamahan. Isang pirma lang sa mga papeles ng diborsiyo ang katumbas ng lahat ng pangarap kong mabuo ang sarili kong pamilya.
Hindi ko alam kung paano pa ako muling makakabangon.
Pakiramdam ko ay unti-unti nang gumuho ang mundong pilit kong binuo sa loob ng maraming taon.
At parang hindi pa sapat ang sakit na iniwan niya.
Sinabayan pa iyon ng pinakamasamang balitang narinig ko sa buong buhay ko.
"I'm sorry, Alessandra... you got breast cancer."
Parang isang bomba ang sumabog sa loob ng silid nang marinig ko ang sinabi ni Dr. Michelle Millarus.
Hindi ako agad nakapagsalita.
Hindi ako makahinga.
Pakiramdam ko ay tumigil ang pag-ikot ng mundo habang nakatingin lamang ako sa kanya.
Hindi ko alam kung paano tatanggapin ang mga salitang iyon.
Breast cancer...
Ako?
Bakit ako?
Ipinangutang ko pa naman ang perang ipinambayad ko sa laboratory tests at consultation. Ilang araw akong hindi kumain nang maayos para lang magkaroon ng sapat na pamasahe at pambayad sa ospital.
Tapos ito pala ang kalagayan ko.
Ni hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pambili ng gamot.
Mas lalo pang imposible ang magpagamot.
Unti-unti akong tumayo mula sa upuan.
Hindi ko na halos marinig ang iba pang paliwanag ng doktor.
Kung anu-anong medical terms ang sinasabi niya, pero tila malayo na ang isip ko.
Isa lang ang paulit-ulit na umaalingawngaw sa utak ko.
May cancer ako...
Lumabas ako ng ospital na parang kaluluwang naglalakad.
Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.
Hindi ko na rin pinunasan.
Wala na akong lakas.
Wala na rin akong dahilan para maging matatag.
Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada, naiisip ko kung bakit tila wala nang ibang ibinibigay ang tadhana kundi puro pagdurusa.
Hindi ba sapat na iniwan ako ng asawa ko?
Hindi ba sapat na nawala ang lahat ng pangarap ko?
Kailangan pati buhay ko ay kunin din?
Pagdating ko sa bahay ay sinalubong agad ako ng kaisa-isang taong kakampi ko sa mundo.
Si Ate Erika.
Isang tingin pa lang niya sa akin ay alam na niyang may mabigat na nangyari.
"Ano'ng nangyari, Alex?" agad niyang tanong habang lumalapit.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Yumakap ako sa kanya at tuluyang humagulgol.
Para akong batang nawalan ng direksiyon.
Hinayaan niya lamang akong umiyak sa kanyang balikat.
Hindi siya nagsalita.
Hinintay niyang mailabas ko muna ang lahat ng sakit na kinikimkim ko.
Si Ate Erika ay hindi ko kadugo.
Pero kung may taong matatawag akong tunay na pamilya, siya iyon.
Magkasama kaming lumaki sa ampunan.
Pareho kaming walang magulang.
Pareho kaming walang ibang maaasahan.
Nang dumating ang tamang edad upang umalis sa ampunan, nangako kaming hindi namin iiwan ang isa't isa.
Magkasama kaming lalaban sa buhay.
Magkasama kaming mangangarap.
At magkasama rin kaming babangon sa bawat pagkakataong madapa kami.
Ngunit nagbago ang lahat nang mag-asawa siya.
Mabait si Kuya Mike.
Hindi niya kailanman ipinaramdam na pabigat kami.
Subalit iba ang kanyang pamilya.
Araw-araw kaming minamata.
Araw-araw kaming nilalait.
"Mga putok sa buho."
"Siguro kaya kayo itinapon ng mga magulang ninyo."
"Mga palaboy."
Paulit-ulit naming naririnig ang masasakit na salitang iyon.
Minsan gusto ko nang sumagot.
Minsan gusto ko nang lumaban.
Pero tuwing nakikita kong umiiyak si Ate Erika dahil lamang sa akin, pinipili kong manahimik.
Matagal ko nang gustong umalis sa bahay nila.
Pero saan ako pupunta?
Wala naman akong ibang tahanan.
Wala akong ibang pamilya.
Kaya lagi kong sinasabi sa sarili ko—
Kung nasaan si Ate Erika, naroon din ako.
Siya na lang ang natitira kong sandigan.
Kaya magtitiis ako.
Hanggang kaya ko.
Noong wala pa akong asawa, pinagtatrabaho kami sa restaurant ng pamilya nina Kuya Mike.
Tagaluto.
Tagasilbi.
Tagahugas ng pinggan.
Tagalinis.
Lahat ng trabahong walang gustong gawin ay ipinapasa sa amin.
Kasabay noon ang walang tigil na pang-aalipusta ng pamilya na matagal ko nang gustong sumpain.
Kung hindi lang talaga dahil kina Ate Erika at Kuya Mike, baka noon pa ako tuluyang sumuko sa buhay.
Sila na lang kasi ang pamilya ko.
Nang iwan ako ni Max nang walang kahit anong paliwanag, wala akong ibang naisip na puntahan kundi sila.
Wala akong dalang maleta.
Wala akong dalang pera.
Wala akong dalang pag-asa.
Ngunit kahit hirap na hirap din sila sa buhay, hindi sila nagdalawang-isip na tanggapin akong muli.
At nandoon din ang pinakapaborito kong bata sa buong mundo.
Si Wade.
Ang limang taong gulang na anak nina Ate Erika at Kuya Mike.
Sa tuwing nakikita ko ang inosente niyang ngiti, kahit paano ay gumagaan ang dibdib ko.
Para siyang maliit na ilaw sa madilim kong mundo.
Mahal na mahal ko ang batang iyon.
At mahal na mahal ko ang pamilyang bumuo sa akin.
Kung kinakailangan kong ibuwis ang sarili kong buhay para sa kanila, gagawin ko.
Siguro ito na lang ang misyon ko ngayon.
Tutal, tinalikuran na rin naman ako ng unang lalaking minahal ko.
Akala ko noon, kapag nakilala ko si Max, matatapos na ang lahat ng paghihirap ko.
Nagkamali pala ako.
Mas masahol pa ang naranasan ko sa piling ng kanyang pamilya.
Hindi ko maitatangging minahal niya ako.
Nararamdaman ko iyon.
Sa bawat yakap.
Sa bawat pangakong binitiwan niya.
Sa bawat titig niyang puno ng pagmamahal.
Pero panandalian lamang pala ang lahat.
Nang mapressure siya ng kanyang mga magulang at ng bumabagsak nilang negosyo, ako ang una niyang binitawan.
Ako ang naging pinakamadaling isakripisyo.
Isang dokumento ng diborsiyo ang iniwan niya sa akin.
At kahit isang singkong duling, wala akong natanggap.
Hanggang ngayon ay umaalingawngaw pa rin sa isip ko ang malamig na boses ng kanyang ina.
"Dumating ka nang walang dala... aalis ka ring walang dala."
"Salot ka! Dahil sa iyo bumabagsak ang negosyo ng pamilya namin!"
Masakit.
Napakasakit.
Kahit saan yata ako dalhin ng buhay, puro pagdurusa ang naghihintay sa akin.
Maya-maya ay hinawakan ni Ate Erika ang kamay ko.
"Alex," mahina niyang sabi, "puwede ka namang magsarili. Humanap ka ng ibang trabaho. Kakayanin naman namin ng Kuya Mike mo."
Hindi iyon ang unang beses na sinabi niya sa akin.
Palagi niya akong hinihikayat na unahin ko naman ang sarili ko.
Ngunit bawat pagkakataon ay iisa lamang ang isinasagot ko.
Umiling ako.
"Titiisin ko ang lahat para sa'yo, Ate."
"Ikaw na lang ang natitira kong pamilya."
Napaluha siya.
Alam naming pareho kung gaano kahirap ang sitwasyon namin.
Madalas ding pinagmamalupitan si Ate Erika ng mga kapatid ni Kuya Mike.
Totoong mayaman ang pamilya nila.
Ngunit si Kuya Mike ay anak lamang sa pangalawang asawa ng kanyang ama.
Kaya kailanman ay hindi siya itinuring na tunay na bahagi ng pamilya.
Nang mamatay ang kanyang ama, doon nagsimula ang pinakamabigat niyang laban.
Paulit-ulit nilang sinasabi na wala siyang karapatang maghabol sa yaman ng mga Dela Ruz.
Hindi raw nag-ambag ang kanilang ama sa pagpapayaman ng pamilya.
Kaya wala rin siyang dapat asahan.
Halos pare-pareho kaming wasak.
Pare-pareho kaming sugatan.
Pare-pareho kaming lumalaban kahit wala nang lakas.
Kaya kahit mahirap ang bawat araw, pinipili kong manatili sa piling nila.
Sapagkat sila na lamang ang itinuturing kong tunay na pamilya.
At habang magkakasama kami...
Naniniwala akong kakayanin naming harapin ang anumang unos.
Kahit hindi ko pa alam na ang pinakamalaking pagsubok sa buhay ko ay nagsisimula pa lamang.
Chapter 32Alessandra’s POVHindi pa natapos ang gabi.Hindi pa natapos ang pagpapanggap.Hindi pa natapos ang taguan.Ang taguan ng mga damdamin.Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa kayang magpanggap na wala lang sa akin ang lahat.Na wala akong pakialam kay Max.Na hindi sumasakit ang dibdib ko sa tuwing nakikita ko si Marie na nakadikit sa kanya.Na hindi ako nasasaktan sa paraan ng pagtingin niya rito.At higit sa lahat, na wala akong pakialam kung ano ang mararamdaman niya kapag nakita niya akong kasama si Andrei.Tinulungan ako ni Andrei, inayos niya pa ang buhok mula sa pagkakahablot ni Marie.Pero mukhang ikinaganda ko pa ang paglaylay ng buhok ko sa aking mga balikat.May ilang hiblang nakatakip sa gilid ng mukha ko.Hindi na ako nag-abala pang ayusin iyon.Dahil titig na titig sa akin si Andrei Sterling.Parang nakalimutan niyang maraming tao sa paligid.“You are so beautiful,” biglang lumabas sa bibig niya.Napatingin ako sa kanya.May kakaibang lambing sa mga mata niy
Chapter 31Alessandra’s POVHabang nag-uusap kami ng mga matataas na personalidad sa business world, pilit kong pinapanatili ang composure ko.This was supposed to be a night of celebration.A night where everyone was dressed elegantly, everyone was smiling, and everyone was pretending that business was the only thing that mattered.Mga CEOs.Investors.Business tycoons.Influential personalities.Lahat sila naroon.At alam kong bawat kilos, bawat salita, bawat ngiti ay napapansin.Pero hindi ko naiwasan ang isang bagay.Sinugod ako ni Marie.Ang hitad.Naglakas-loob para kalabanin ako.At bago pa man ako tuluyang makapaghanda, nagawa niyang hablutin ang buhok ko.“Bitawan mo ako!”Nagulat ang lahat.Biglang tumigil ang mga usapan sa paligid.May mga napalingon.May mga napaatras.May ilan na halos hindi makapaniwala sa kanilang nakikita.Ang isang eleganteng business event ay biglang naging parang eksena sa isang magulong teleserye.Hindi siya maawat-awat ng mga taong naroroon.Halos
Chapter 30Alessandra’s POV“At sinama pa talaga ang girlfriend niya,” naiinis na tumatakbo sa isip ko.Mabuti na lang at nandito si Andrei Sterling.Akala ba niya, siya lang kaisa-isang lalaki sa mundo?Kung kaya niyang magdala ng babae sa party, kaya ko rin namang makipag-usap sa ibang lalaki.Hindi naman ako kawawa.At lalong hindi ako naghihintay sa kanya.“You look dashing, Andrei. I'm glad that you made it tonight.”“Of course, everything for you. Manginig-nginig pa,” pagbibiro pa ni Andrei.Mas nilakasan ko ang tawa ko at umabot hanggang tenga ang ngiti ko habang kausap ko si Andrei.Baka kasi mahalata ako na gustong-gusto ko nang lamukusin ang pagmumukha ng kasamang babae ni Max.Hindi ko pa rin nakakalimutan ang atraso ng babaeng iyon.Ang babaeng ilang beses na akong ininsulto.Kung makapulupot kay Max, para siyang napakalaking makamandag na sawa.Bagay na bagay ang suot niyang kulay pulang gown.Mukha siyang demonya.At kulang na lang ang tinidor at buntot.Napatingin na na
Chapter 29Maximus POV“Congratulations, Mr. Craig.”“Maganda ang nagawa ninyong campaign.”“The project is a success.”Halos lahat ng tao ay bumabati sa akin. After landing a 30 Billion project dahil sa marketing campaign na ginawa ko para sa MGC.Masaya naman ako sa mga pagbati nila.Ito ang unang malaking achievement ko mula nang mapasok ako sa MGC.At hindi maliit na bagay ang 30 Billion project.Alam kong malaking bagay iyon para sa kumpanya.Malaking bagay din iyon para sa akin.Dahil bago pa lang akong miyembro sa MGC.Pero sa kabila ng lahat ng pagbating natatanggap ko, may isang taong hinihintay kong bumati sa akin.Si Alessandra.Akala ko pa naman kakayamayan niya ako at babatiin sa nagawa kong kontribusyon sa kumpanya.Kahit isang simpleng congratulations lang.Kahit isang tingin lang.Kahit isang ngiti.Sapat na sana iyon sa akin.Pero hindi man lang niya ako tiningnan.Parang wala lang sa kanya ang lahat.Bago pa lang akong miyembro sa MGC.Nabigyan na ako agad ng oportun






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews