Chapter 8Alessandra's POVUmagang-umaga pa lang ay parang tanghaling tapat na para sa amin ni Jovy, Napakarami kasing errands na pinaghatian naming gawin.Kung anu-anong papeles ang kailangang dalhin sa iba't ibang department, mga dokumentong kailangang ipa-photocopy, files na kailangang kunin, at kung anu-ano pang bagay na hindi naman talaga kabilang sa trabaho namin bilang Sales Associate.Nakakatuwa si Jovy dahil hindi siya mapagreklamong tao. Sunod lang siya nang sunod sa mga utos ng mga nakatatatataas “kuno” ng opisina.Habang ginagawa namin ang mga trabaho, nagbibiro pa si Jovy.“Alam mo, Alessandra, yung mga tao dito parang mga tagapagmana ng kumpanya, dahil kung makapag-utos sila, wagas.”Natawa na lamang ako sa kanya.“Baka naman gusto lang nilang maramdaman na may power sila.”“Power? More like unlimited power!” natatawa niyang sagot.“Basta huwag kang magreklamo.”“Hindi ako nagrereklamo. Nag-oobserba lang ako.”“Mas delikado ‘yan.”“Bakit?”“Kapag marami kang napapansin,
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-08-11 อ่านเพิ่มเติม