LUCA ODELLE VITALE'S POV Pagkatapos naming magligpit ng pinagkainan, nagprisinta si Anya na maghugas ng mga pinggan. Hindi na ako nakipagtalo. Sa halip, nagkunwari akong inaayos ang mga unan sa sala habang hinihintay ko siyang makapasok sa kuwarto.Pagkasara ng pint0, agad kong kinuha ang cellphone niya na naiwan sa ibabaw ng mesa. I checked the screen. Walang bagong mensahe mula sa hindi kilalang numero. Sinubukan ko ring tawagan iyon pero hindi ko na inasahang may sasagot. Ang mahalaga, mayroon akong numero at mayroon akong isang taong mapagkakatiwalaan, ang pinsan kong si Dante.Sa dami ng taong nakapaligid sa pamilya Vitale, siya lamang ang alam kong hindi basta susunod sa utos ng Lolo ko. Hindi siya madaling masilaw sa pera, kapangyarihan o impluwensiya ng pamilya. Higit sa lahat, alam niyang hindi ako basta magtatago nang ganito ng walang dahilan. Of all people, he was the only one I trusted with this.Hindi ko maaaring gamitin ang sarili kong cellphone. Kilala ko ang Lolo ko
Terakhir Diperbarui : 2026-10-16 Baca selengkapnya