ANYA THERESE BENNETT'S POVNagising ako sa tilaok ng mga manok at sa banayad na amoy ng maalat na simoy ng dagat na pumapasok sa bintana ng kubo. Pagmulat ng mata ko, nakatitig agad sa akin si Luca o si Leo, gaya ng itinatawag ko na sa kaniya rito. Nakasandal ang ulo niya sa braso niya habang may simpleng ngiti sa kaniyang mga labi."Magandang umaga, Mrs. Del Rosario," pabulong niyang bati bago niya ako ginawaran ng mabilis na halik sa noo."Magandang umaga, Mahal ko," nakangiti kong ganti habang iniiwas ko ang aking tingin dahil sa init na agad na umakyat sa mga pisngi ko.Bago pa man kami makabangon nang tuluyan para magtimpla ng kape, may kumatok nang marahan sa may pintuan ng kubo. "Tao po! Leo! Mia!"Mabilis kong inayos ang duster ko at binuksan ang pint0. Si Kapitan Dado ay nakatayo sa labas. May bitbit siyang dalawang sombrerong buri at pares ng guwantes."Magandang umaga, Mia! Nariyan ba si Leo?" masayang tanong ni Kapitan Dado. Lumapit agad si Luca sa likod ko habang maingat
Zuletzt aktualisiert : 2026-09-30 Mehr lesen