مشاركة

Kabanata 136

مؤلف: Docky
last update تاريخ النشر: 2026-10-25 10:50:08

Caroline's POV

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatayo sa gitna ng sala ni Teresa. Nakatitig ako sa kaniya habang ang mga salitang narinig ko mula sa cellphone niya ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa aking isipan.

[ "Huwag mo munang hayaang malaman ni Caroline na pinagpalit natin ang resulta ng DNA tests nila ni Anya.” ]

Ibig sabihin, may mga taong sadyang kumikilos sa likod ko. May mga taong nakaaalam ng katotohanan tungkol sa pagkatao ko, ngunit sa halip na sabihin iyon sa akin, pin
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 154

    ANYA THERESE BENNETT'S POV "May kinalaman ito sa taong tumutulong kay Teresa para mapanatili ang lihim na ito…"Ilang segundo akong nakatitig kay Tres matapos niyang sabihin iyon. Hindi ko alam kung bakit pero biglang bumigat ang pakiramdam ko. Akala ko, matapos kong malaman ang tungkol sa baby switching, wala ng ibang katotohanang higit pang gigimbal sa akin ngunit mukhang nagkakamali ako."S-Sino?" maikli kong tanong.Hindi agad sumagot si Tres. Sumandal siya sa kaniyang upuan at tila nag-iisip kung paano niya sisimulan ang kaniyang sasabihin."Si…Si Chase Pendleton."Napakunot ang noo ko. "Chase? Kuya ni Caroline? I mean…ang K-Kuya ko?"Tumango siya. "Siya ang tumutulong kay Teresa. They even planned to change the results of the DNA. Actually, they did switch it. Hindi nila alam na nakita na namin ni Madam Carolina ang resulta. Makakakilos na sana kami ng tahimik at walang nakakaalam kaso, Caroline happened to eavesdrop habang magkausap kami ng Lola mo. Ngayon, alam na nilang alam

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 153

    ANYA THERESE BENNETT'S POVNgumiti si Luca sa akin ngunit hindi nawala ang pag-aalala sa kaniyang mga mata."What do you want me to say, my love? Na masaya ako dahil isa ka nang tagapagmana ng isang mayamang pamilya? Na dapat kang maging masaya dahil mayaman pala ang tunay mong mga magulang?"Umiling ako."Because none of that changes who you are," pagpapatuloy niya. "You're still the same woman I fell in love with. Hindi magbabago ang pagkatao mo dahil lang nagbago ang apelyidong dapat mong dala-dala noon pa man."Tuluyan nang tumulo ang luha ko. Iyon lang naman ang gusto kong marinig. Hindi ko kailangan ng isang taong magsasabing masuwerte ako dahil mayaman pala ang tunay kong pamilya. Hindi ko kailangan ng marangyang mansiyon o mga ari-ariang hindi ko naman pinaghirapan. Sa sandaling iyon, gusto ko lamang maramdaman na hindi ako nag-iisa habang sinusubukan kong buuin ang pagkatao kong tila biglang nabago ng isang katotohanang hindi ko naman hiniling."Pero paano kung hindi nila ako

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 152

    ANYA THERESE BENNETT'S POV"Pendleton..." bulong ko. Iyon ang apelyidong ilang beses kong nabasa sa mga magazine at pahayagan. Ang pamilyang kilala sa negosyo, kapangyarihan at yaman. Ang apelyidong pag-aari ng mga taong malamang ay hindi ko man lamang nakilala kung hindi dahil sa isang lihim na itinago sa loob ng maraming taon.Isa pala akong Pendleton. Ako pala ang batang dapat lumaking minamahal sa isang tahanang hindi kailangang magbilang ng bawat sentimong ginagastos. Ngunit bakit ganoon? Bakit hindi ako makaramdam ng tuwa? Bakit sa halip na matuwa sa posibilidad na mayroon pala akong ibang pamilya, ang una kong naisip ay ang lahat ng pagkakataong nagmakaawa ako kina Mama at Papa na mahalin nila ako?"Mayaman pala ang tunay kong pamilya," nanginginig ang tinig na sabi ko. "Samantalang ako..."Hindi ko naituloy ang sasabihin ko. Napatingin ako sa sarili kong mga kamay. May mga bakas pa rin ng maliliit na sugat at peklat mula sa mga trabahong pinasukan ko. Mga kamay na sanay maghug

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 151

    ANYA THERESE BENNETT'S POV"Matagal na nagtrabaho si Anton sa pamilya Pendleton. Staff siya noon sa mansiyon pero nasesante siya dahil sa isang confidential reason na tanging si Donya Carolina lang ang nakakaalam. Noong araw na ipinanganak ka ni Ma’am Carol, nanganak din si Teresa. Pareho kayong isinilang sa iisang araw at sa iisang ospital." Napapikit ako. Kung gano'n, kaya pala. Kaya pala kahit anong gawin kong sakripisyo para kina Mama at Papa, parang balewala lang sa kanila. Kaya pala kahit maubos ako sa katatrabaho para lang mapunan ko ang mga pangangailangan nila, wala pa ring silbi!"Sa isang pribadong hospital kayo ipinanganak ni Caroline. Kahit mahirap lang sina Anton at Teresa, nakapagtatakang nabayaran ni Anton ang hospital bills noon ng asawa niya. Napag-alaman din naming may kakilala siya sa loob kaya naging madali para sa kaniya ang pagpalitin kayo ni Caroline. But that's not the whole story behind it. Napakarami pang loopholes at mga bagay na para sa amin ay imposiblen

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 150

    ANYA THERESE BENNETT'S POVHindi ko alam kung ilang minuto akong nanatiling nakatitig sa dagat matapos naming kumain ng tanghalian. Kanina lamang ay masaya akong nakikipagbiruan kay Luca habang naghahanda kami ng pagkain. Ngunit ngayon, tila may mabigat na batong nakadagan sa dibdib ko habang pinagmamasdan ang mga alon na marahang humahampas sa dalampasigan.Nasa balkonahe kami ng maliit na bahay na tinutuluyan namin sa Cagwait. May inaasikaso si Luca sa loob, samantalang si Tres ay nakaupo sa kabilang panig ng mesa. Kanina pa siyang tahimik at ilang beses ko na siyang nahuling pasulyap-sulyap sa akin na para bang may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya alam kung paano niya iyon sisimulan.Hindi na ako nakatiis."Tres, p'wede ko na bang itanong ang mga gusto kong itanong sa iyo kanina pa?"Agad siyang napatingin sa akin. "Sure, Miss Anya. Go ahead."Huminga ako nang malalim bago tuluyang nagsalita."Naparito ka dahil sa utos ni Donya Carolina, hindi ba?"Tumango siya.“You spent ti

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 149

    LUCA ODELLE VITALE'S POV"Hindi naman estranghero si Anya kay Madam Carolina," giit ni Tres."Hindi niya halos kilala ang matandang iyon!""Mr. Vitale—""Then let her make her own decision." Hindi ko naitago ang bahagyang pagtaas ng boses ko. Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita. "Anya has spent years being told what to do, where to go and what she needs to sacrifice for other people. Hindi ako magiging isa pang taong magdidikta kung ano ang dapat niyang gawin," mariin kong sabi."Hindi siya kinokontrol ni Madam.""Kung ganoon, hayaan ninyo siyang magdesisyon para sa sarili niya."Napabuntong-hininga si Tres. "Pinapahirap ninyo ang sitwasyon."Napatawa ako nang bahagya. "Believe me, I'm trying very hard to be reasonable. Isa pa, may isa pang taong hindi papayag na magsama kami ni Anya maliban kay Caroline. If you ask Anya about his happiness, her answer will be me. Gusto niyo bang kayo ang maging dahilan kung bakit mawawalay na naman si Anya sa taong pinakamamahal niya?”"Mr

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status