LUCA ODELLE VITALE'S POV Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang isang matalim na tusok sa aking braso. Agad akong napatingin doon. Isang lalaki ang may hawak na syringe na bahagyang nakabaon sa balat ko. Bago pa ako tuluyang makakilos, mabilis nitong inalis iyon at umatras."What the hell did you inject me with?!" galit kong sigaw.Agad akong tumayo at sinubuka kong sunggaban ang lalaking may hawak ng hiringgilya pero kakaiba ang bigat na biglang naramdaman ko sa katawan ko.Napahawak ako sa braso kong tinurukan. Shít! Ano'ng inilagay nila sa katawan ko?Sinubukan kong humakbang palapit sa mga ito pero biglang umikot ang paningin ko. Para bang gumalaw ang buong paligid kahit nakatayo lamang ako. Napakurap ako nang ilang beses at pilit kong inaayos ang aking paningin."Son of a bítch..."Mabilis kong inilabas ang cellphone ko mula sa bulsa ngunit halos hindi ko na maayos ang pagkakahawak doon. Nang subukan kong pindutin ang screen, tila nagiging doble ang nakikita
Last Updated : 2026-11-22 Read more