ANYA THERESE BENNETT'S POVNapatingin ako sa paligid. Parang sabay-sabay na nagbago ang ihip ng hangin. Ang mga taong kanina'y nag-uunahan sa pagsayaw ay biglang naglapit-lapit sa kani-kanilang mga kasama. May mga nagyakapan. May mga mag-asawang nagdikit ang mga noo. May ilang humawak sa kamay ng kanilang mga minamahal. Ang ilaw sa court, medyo dumilim, parang naging dilaw na lang. At bago ko pa tuluyang maunawaan ang nangyayari, naramdaman ko ang mga braso ni Luca na pumulupot sa akin. Mahigpit iyon pero maingat. Parang takot siyang masaktan ako.Napadikit ang pisngi ko sa dibdib niya. Naamoy ko ang sabon niya na kahit simple lang, mabango pa rin para sa akin. Ang polo niya, malambot.“Lu—Leo...” tawag ko, mahina lang.“Shh,” sabi niya. Ipinatong niya ang baba niya sa ibabaw ng ulo ko. Naramdaman ko ang bigat ng ulo niya. “Dito ka lang.”Sa mabagal na ritmo ng kanta, nagsimula kaming gumalaw. Mabagal at magaan. Halos wala nang ibang mahalaga kundi ang bawat hakbang namin. Ang paa ko
Last Updated : 2026-10-08 Read more