LUCA ODELLE VITALE'S POVPaalis na sana kami ni Anya para pumunta sa bahay nina Kapitan Dado nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napahinto ako sa pagsusuot ng sapatos at agad kong sinilip ang screen. Nang makita kong si Tres ang tumatawag, hindi na ako nagdalawang-isip na sagutin iyon."Hello?"["Mr. Vitale, huwag muna kayong aalis ni Anya sa bahay. Papunta kami riyan."]Bahagya akong napakunot-noo. "Kami? Sino'ng kasama mo?"["Kasama ko si Donya Carolina, ang Lola ni Miss Anya. Sa private helicopter kami sasakay kaya hindi na magtatagal ang biyahe namin mula rito sa Bancasi Airport. Please, hintayin ninyo kami riyan."]Napatingin ako kay Anya na abala sa pag-aayos ng mga gamit na dadalhin sana namin. Hindi ko inasahang darating agad ang Lola niya, pero kung tutuusin, magandang pagkakataon iyon. Bukas na bukas ay ikakasal na kami. Mas mabuti nang makilala ko nang personal ang kahit isa sa pamilya niya bago ang araw na iyon."All right. We'll wait for you," sagot ko bago tuluyang ib
Last Updated : 2026-11-19 Read more