Elysia Mireille Severino’s Point of ViewHabang ipinapakita sa akin ng couturier ang mga wedding gown, at ipinapaliwanag sa akin ang lahat, wala akong matipuhan. Though, nanatili lang akong tahimik, at nakikinig lang sa kaniya.“Bagay rin po sa ‘yo ang mermaid gown, ma’am. Mas i-emphasize po natin ang bust, at waist niyo,” saad niya, pero umiling lang ako bilang sagot.Madalas akong gumamit ng mermaid gown sa tuwing may pupuntahan akong events. Tingin ko, kung ganoon din ang wedding gown ko, parang wala nang bago. I prefer something new. ‘Yong hindi ko pa nasusubukan na tingin ko ay babagay sa akin.Dahan-dahan akong sumandal sa aking upuan, habang si Aeron ay nakadantay ang kaniyang bisig sa aking balikat, at inilapit ako sa kaniya.Magmula nang mag-usap kami ng couturier tungkol sa gown, wala ni isa ang nagsasalita. Tahimik lang ang lahat, at nakikinig sa amin.“No. Mas maganda kung hindi palaging mermaid gown,” paliwanag ko, at sinulyapan ang couturier na nakatitig pala sa akin, mu
Last Updated : 2026-11-08 Read more