Elysia Mireille Severino’s Point of ViewBinuhat niya ako kaya awtomatikong pumulupot ang mga bisig ko sa kaniyang leeg, habang ang aking mga hita naman ay pumulupot sa kaniyang baywang.Maingat siyang naglakad, habang yakap ako para hindi ako mahulog. Tumigil siya, at ini-lock ang pinto. Nanlaki ang aking mga mata, at natantong hindi pa siya tapos sa ginawa niya, dahil nakatitig siya nang mariin sa akin, hindi inililihis ang kaniyang mga mata.“Aeron…”“Akala mo tapos na ako?” tanong niya, at naglakad muli. “Nagsisimula pa lang ako, Mielle.”Nang tumigil siya, ipinatong niya ako sa aking table. Umupo siya sa swivel chair, at inilapit ‘yon sa akin, dahil medyo malayo pa siya. “Ano—may trabaho ka pa!” gulantang kong sambit, kahit bahagya kong hinahabol ang aking hininga. “Bakit kailangan pa natin ‘yong gawin kung puwede namang mamayang gabi na lang?”“Ilang oras akong naghintay bago ako nakapunta rito, Mielle. Tapos gusto mong mamayang gabi na lang nating gawin?” tanong niya, at pina
Last Updated : 2026-10-19 Read more