Liana Maeve Guevarra’s Point of ViewDahil sa sinabi niya, para akong biglang natauhan kaya buong lakas ko siyang itinulak, ngunit hindi niya ako binitawan. Sa halip, mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin, habang nakatitig nang mariin. “Gusto sana kitang halikan, pero baka biglang dumating ang boyfriend mo,” saad niya, at natawa nang mahina, habang dahan-dahan akong ibinaba.Hindi niya kaagad inalis ang kaniyang bisig sa aking baywang, at siniguro niya munang kaya kong tumayo nang maayos.Dahil sa narinig ko, lalo akong nawalan ng lakas kaya mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kaniyang damit. Kaya humigpit ang pagkahihila ko sa kaniyang damit.“Oh…” bulong niya, at inilapit ang kaniyang mukha sa akin. “So, you like that idea, huh?”Mabilis akong napaatras, ngunit nang muling sumayad sa pinto ang likod ng aking ulo, napasinghap ako.Umangat ang sulok ng kaniyang labi, at tiningnan ako nang mariin. Marahan niyang inilapit ang katawan niya sa akin, hanggang sa wala nang natirang
Last Updated : 2026-10-29 Read more