مشاركة

Kabanata 2 - Blind

مؤلف: Saevris
last update تاريخ النشر: 2026-10-15 12:29:14

Liana Maeve Guevarra’s Point of View

“Bakit ba palagi siyang sumasama?” tanong ko kay Calix nang muli kong mamataan si Vaughn sa malayo, nakatitig sa dalampasigan.

Nang maramdaman niya ang tingin ko, sinalubong niya ‘to, at tiningnan ako na para bang wala siyang naging kasalanan sa akin kagabi.

Umigting ang aking panga, at wala sa sariling naikuyom ko ang aking kamao. Ibinalik ko ang atensyon ko kay Calix, ngunit ang atensyon niya ay nasa kaniyang cellphone.

“Bakit? Kaibigan ko naman siya,” paliwanag ni Calix, at binalingan ako. “Isa pa, palagi ko namang kasama ang iba naming kaibigan. Kaya wala ka dapat ikabahala.”

Napailing ako, at bahagyang lumayo sa kaniya. Hindi man lang ba siya makaramdam na ayaw ko kay Vaughn? I hate him!

Ibinalik ni Calix ang kaniyang atensyon sa cellphone niya nang tumunog ‘to. Hindi na siya nagpaalam sa akin bago sagutin ang tawag at basta na lamang umalis.

“Iniwan ka na naman,” saad ng pamilyar na boses.

Humugot ako nang malalim na hininga, at dahan-dahang nilingon si Vaughn na ngayon ay nakapamulsa.

Tumigil siya, ilang hakbang ang layo sa akin, ngunit sapat na para isipin kong malapit siya sa akin.

“Kawawa ka talaga, ‘no? Ikakasal na kayo, pero hindi ka pa tinatrato nang maayos. Paano na lang kung naging asawa mo na siya?”

Tuluyan ko siyang hinarap, at humugot nang malalim na hininga para pigilan ang sarili sa pagsabog.

“Puwede bang tumigil ka na? Tigilan mo ako.”

Hindi ko na siya binigyan pa ng pagkatataon para makapagsalita, dahil tumalikod ako kaagad, at umalis.

Pumunta ako sa pool area ng resort, at tahimik na pinagmasdan ang tubig habang nakalubog ang mga paa ko.

Narinig ko ang papalapit na mga yabag, hanggang sa tumigil ang mga ito sa likuran ko.

Naramdaman ko ang pamilyar na presensya ni Vaughn na siyang nagpatigil naman sa akin sa paghinga.

“Palagi ka bang iniiwan ng fiancé mo, o sadyang suwerte lang akong makita kang mag-isa?” aniya, at tumabi sa akin.

Inilublob naman niya ang kaniyang paa sa swimming pool, at ipinatong ang kaniyang kamay sa aking hita, saka ‘to marahang hinaplos.

Napasinghap naman ako sa kaniyang ginawa, at napatulala na lamang. Wala akong lakas ng loob para pigilan siya, habang patuloy siya sa paghaplos sa aking hita.

“Mas mabuti na rin ‘yon para masolo kita,” bulong niya, sapat na para marinig ko. “Kapag nandiyan siya, hindi kita malapitan. Gustong-gusto mong dumikit doon kahit wala namang pakialam sa ‘yo.”

“Ano ba ang pinagsasabi mo? Hindi siya ganoon—”

Hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin ko nang ipinasok ni Vaughn ang kaniyang kamay sa loob ng aking dress.

“Hindi ba?” nanunuyang tanong niya, at natawa nang pagak. “Liana, hindi ako bulag kagaya mo.”

Inabot ko ang kaniyang kamay, at marahas na tinanggal ang kamay niya sa loob ng aking dress.

Nilingon siya, at sinamaan ng tingin hanggang sa unti-unti siyang bumaling sa akin na may naglalarong ngisi sa kaniyang labi.

“Hindi ako bulag—”

“Ang dami ng ipinapakita sa ‘yo ni Calix, Liana. Pero hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nagigising?”

Dismayado siyang napailing, hanggang sa unti-unting nabubura ang ngisi sa kaniyang labi.

“Liana, wala ka pa bang balak iwan si Calix sa lagay na ‘yon?” usisa niya.

Bumigat ang kaniyang presensya habang dahan-dahan niyang inilalapit ang mukha niya sa akin. Tumigil lamang siya nang isang dangkal na lang ang pagitan ng mukha namin.

Bumaba ang kaniyang mga mata sa aking labi, at marahang ipinilig ang kaniyang ulo. Nang ibalik niya ang kaniyang mga mata sa akin, dumilim ang kaniyang mga mata.

“Kasi kung wala pa, aagawin na talaga kita.”

Inilagay ko ang aking mga kamay sa kaniyang dibdib, at itinulak siya palayo sa akin.

“Gago ka ba?” mariin kong sambit.

Umigting ang kaniyang panga sa aking naging tanong, ngunit hindi ako nagpatinag.

“Bakit mo naman ‘yan gagawin, huh? Ang dami-daming babae riyan, Vaughn!”

Nanginig ang mga kamay ko, kaya ikinuyom ko ang mga ito. Natawa ako nang pagak, at bahagyang napailing.

Hindi siya nagsalita. Nakatitig lamang siya sa akin na para bang hinihintay niyang kumalma ako, o kung may sasabihin pa ba ako ngunit wala na.

“May pakialam ba ako sa kanila?” kalmadong tanong niya, at tumuwid sa pagkauupo.

Inilihis ko ang aking mga mata, at piniling tingnan na lamang ang aking mga paa na nagkalublob sa tubig.

“Wala, Liana. Sa ‘yo lang ako may pakialam. Kaya bakit ‘yong ibang babae pa kung puwede namang ikaw?”

Nanigas ako sa aking kinauupuan, at hindi inaasahan ang binitawang salita ni Vaughn.

Sinubukan kong ibuka ang aking labi, ngunit wala akong masabi, hanggang sa napagpasiyahan ko na lamang na tumayo.

“Hindi magandang biro ‘yan,” malamig kong tugon nang makatayo ako.

“Hindi ako nagbibiro,” depensa naman niya, at nanatiling nakaupo sa gilid ng swimming pool. “Binibigyan ka na ni Calix ng dahilan para iwan siya, pero binabalewala mo. Kaya paano na lang kaya kung may nalaman kang hindi mo inaasahan, Liana?”

“Ano ang ibig mong sabihin?” nalilito kong wika, at sinulyapan siya.

Nag-angat naman siya ng tingin, habang pilit kong hinahanap ang mga kasagutan sa kaniyang mga mata.

“Sinisiraan mo ba si Calix—”

“Bakit ko siya sisiraan kung siya mismo ang gumagawa, Liana?”

Doon ako nanghina. Nanginig ang mga hita ko, habang tuluyan siyang tumatayo.

Mabilis naman niyang hinawakan ang aking panga, at iniangat ito para magtagpo ang aming mga mata.

“Sa ating dalawa, ako ang mas nakakikilala sa kaniya. Pero kung ayaw mong maniwala, hindi pa rin ako titigil hangga’t hindi ka nagigising,” saad niya, at sinulyapan muli ang labi ko.

Naramdaman ko ang marahang paghagod ng kaniyang hinlalaki sa ibabang labi ko, dahilan para manigas ako sa aking katawan.

Saglit na umigting ang kaniyang panga, saka pinakawalan ang aking panga, at sinalubong ang aking mga mata.

“Ano ba ang ibig mong sabihin?” bulong ko.

Alam kong ako ang mas nakakikilala kay Calix, pero paano kung tama siya?

Umiling ako nang tuluyan akong makagalaw, at natawa nang bahagya.

“No…” untag ko, at sinamaan siya ng tingin. “Ginugulo mo lang ang isip ko.”

“Ginugulo ko ba, Liana?” kalmado niyang tanong, kabaliktaran ng bigat ng kaniyang tingin, at presensya. “O unti-unti mo nang naiisip na tama ako, at mali ka?”

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • Lihim na Kasalanan (SSPG)   Kabanata 5 - Knock

    Liana Maeve Guevarra’s Point of ViewDahil sa sinabi niya, para akong biglang natauhan kaya buong lakas ko siyang itinulak, ngunit hindi niya ako binitawan. Sa halip, mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin, habang nakatitig nang mariin. “Gusto sana kitang halikan, pero baka biglang dumating ang boyfriend mo,” saad niya, at natawa nang mahina, habang dahan-dahan akong ibinaba.Hindi niya kaagad inalis ang kaniyang bisig sa aking baywang, at siniguro niya munang kaya kong tumayo nang maayos.Dahil sa narinig ko, lalo akong nawalan ng lakas kaya mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kaniyang damit. Kaya humigpit ang pagkahihila ko sa kaniyang damit.“Oh…” bulong niya, at inilapit ang kaniyang mukha sa akin. “So, you like that idea, huh?”Mabilis akong napaatras, ngunit nang muling sumayad sa pinto ang likod ng aking ulo, napasinghap ako.Umangat ang sulok ng kaniyang labi, at tiningnan ako nang mariin. Marahan niyang inilapit ang katawan niya sa akin, hanggang sa wala nang natirang

  • Lihim na Kasalanan (SSPG)   Kabanata 4 - Doubt

    Liana Maeve Guevarra’s Point of ViewNapahilamos ako ng aking mukha. Matapos ang nangyari kanina sa cottage, pinili kong magkulong na lang sa room namin ni Calix.Hindi ko kayang makita si Vaughn. Matapos naming gawin ’yon—ang maghalikan—paano ko pa siya haharapin? “Bakit ko ba siya hinayaan?” bulong ko, habang nakatitig sa kisame.Kinagat ko nang mariin ang aking ibabang labi, at wala sa sariling napahawak sa aking leeg.Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang kamay ni Vaughn sa leeg ko. Maging sa katawan ko, parang hindi ko magawang kalimutan ‘yon.Narinig ko ang pagbukas ng pinto, ngunit hindi ako gumalaw para lingunin siya. Nanatili lang ang aking mga mata sa kisame, at tinanggal ang aking kamay sa leeg ko.“Iniisip mo ba kung paano ko hawakan ang leeg mo kanina, habang hinahalikan kita?” tanong nang isang pamilyar na boses.Nanlaki ang aking mga mata, at mabilis na napaupo sa kama. Natagpuan ko si Vaughn na nanatiling nakatayo sa harap ng pinto, nakahilig ang kaniyang balikat sa p

  • Lihim na Kasalanan (SSPG)   Kabanata 3 - Almost

    Liana Maeve Guevarra’s Point of View“Liana,” tawag sa akin ni Calix, kaya napalingon ako sa kaniya. “Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap.”Lumingon si Calix kay Vaughn, habang nanatili pa rin akong nakatitig kay Calix.“Ano ang pinag-uusapan niyo?” usisa ni Calix.Mabilis naman akong lumapit kay Calix, at niyakap ang kaniyang bisig. Ramdam kong sinusundan ako ng tingin ni Vaughn.“Wala naman…” sagot ko, at sinulyapan si Vaughn na nakatingin na pala kay Calix.Wala akong mabasang emosyon sa mga mata niya. Tumayo siya nang tuwid, at ibinulsa ang kaniyang mga kamay.“Parang ang seryoso niyo kasing dalawa.”Hindi ako makasagot. Nanatili pa rin kasi sa aking isipan ang tanong ni Vaughn kanina.Ang tanging nagawa ko lang ay tumawa nang mahina, habang nakatingin lang si Vaughn sa amin.“Katatapos mo lang makipag-usap sa tumawag sa ‘yo?” tanong ko sa kaniya.Dahan-dahan naman siyang lumingon sa akin. Kaya napabitaw ako sa pagkakayakap sa bisig niya.Hinalikan naman niya ang aking

  • Lihim na Kasalanan (SSPG)   Kabanata 2 - Blind

    Liana Maeve Guevarra’s Point of View“Bakit ba palagi siyang sumasama?” tanong ko kay Calix nang muli kong mamataan si Vaughn sa malayo, nakatitig sa dalampasigan.Nang maramdaman niya ang tingin ko, sinalubong niya ‘to, at tiningnan ako na para bang wala siyang naging kasalanan sa akin kagabi.Umigting ang aking panga, at wala sa sariling naikuyom ko ang aking kamao. Ibinalik ko ang atensyon ko kay Calix, ngunit ang atensyon niya ay nasa kaniyang cellphone.“Bakit? Kaibigan ko naman siya,” paliwanag ni Calix, at binalingan ako. “Isa pa, palagi ko namang kasama ang iba naming kaibigan. Kaya wala ka dapat ikabahala.”Napailing ako, at bahagyang lumayo sa kaniya. Hindi man lang ba siya makaramdam na ayaw ko kay Vaughn? I hate him!Ibinalik ni Calix ang kaniyang atensyon sa cellphone niya nang tumunog ‘to. Hindi na siya nagpaalam sa akin bago sagutin ang tawag at basta na lamang umalis. “Iniwan ka na naman,” saad ng pamilyar na boses.Humugot ako nang malalim na hininga, at dahan-dahang

  • Lihim na Kasalanan (SSPG)   Kabanata 1 - Chase

    Liana Maeve Guevarra’s Point of View“Hindi ka ba sanay na may nakatingin sa ‘yo?”Napalingon kaagad ako sa kaniya, at napansin na may hawak siyang kopita. Marahan niya ‘tong iniikot, habang nakatingin sa akin nang mariin.Inilihis ko ang aking mga mata nang dumampi sa akin ang kaniyang bisig. Pinili ko lamang na tingnan si Calix sa malayo, habang nakipag-uusap sa mga kakilala niyang businessman.“Lumayo ka,” bulong ko, sapat na para marinig niya ang aking sinabi.“Bakit ako lalayo, Liana?” mababang boses niyang sambit, hanggang sa naramdaman ko ang kaniyang mainit na kamay sa aking likuran.I’m wearing a backless dress. Kaya ramdam ko ang init na nagmumula sa kaniyang kamay.Wala sa sarili kong kinagat ang aking dila para pigilan ang aking sarili sa pagmura.Nasa sulok lang naman kami ng function hall, at walang tao sa aming gawi. Hindi rin masyadong maliwanag sa gawi namin kaya kahit may lumingon sa amin, hindi nila kami makita. “Tell me.”“May fiancé ako,” sambit ko, at naikuyom a

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status