Home / Romance / Lihim na Kasalanan (SSPG) / Kabanata 3 - Almost

Share

Kabanata 3 - Almost

Author: Saevris
last update publish date: 2026-10-19 13:46:06

Liana Maeve Guevarra’s Point of View

“Liana,” tawag sa akin ni Calix, kaya napalingon ako sa kaniya. “Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap.”

Lumingon si Calix kay Vaughn, habang nanatili pa rin akong nakatitig kay Calix.

“Ano ang pinag-uusapan niyo?” usisa ni Calix.

Mabilis naman akong lumapit kay Calix, at niyakap ang kaniyang bisig. Ramdam kong sinusundan ako ng tingin ni Vaughn.

“Wala naman…” sagot ko, at sinulyapan si Vaughn na nakatingin na pala kay Calix.

Wala akong mabasang emosyon sa mga mata niya. Tumayo siya nang tuwid, at ibinulsa ang kaniyang mga kamay.

“Parang ang seryoso niyo kasing dalawa.”

Hindi ako makasagot. Nanatili pa rin kasi sa aking isipan ang tanong ni Vaughn kanina.

Ang tanging nagawa ko lang ay tumawa nang mahina, habang nakatingin lang si Vaughn sa amin.

“Katatapos mo lang makipag-usap sa tumawag sa ‘yo?” tanong ko sa kaniya.

Dahan-dahan naman siyang lumingon sa akin. Kaya napabitaw ako sa pagkakayakap sa bisig niya.

Hinalikan naman niya ang aking pisngi saglit, at lumayo rin kaagad.

Bigla ko tuloy nakalimutan ang mga tanong ni Vaughn. Napangiti ako nang tipid nang lumayo siya, ngunit nang magtama muli ang aming mga mata ni Vaughn, hindi ko alam kung namalik-mata ba ako.

Nakaangat ang sulok ng kaniyang labi kanina. Ngunit nawala rin ‘yon nang muli akong kumurap.

“Yes,” sagot naman kaagad ni Calix.

“Tungkol saan?” bulong ko, at unti-unting ibinalik kay Calix ang aking atensyon.

Kaya lang ay kahit ibaling ko ang atensyon ko kay Calix, ramdam ko pa rin ang bigat ng tingin ni Vaughn sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya, at kung tutuusin nga dapat ay wala na akong pakialam. Kaya lang ay bakit sa paraan ng pagtitig niya sa akin, parang iniisip niyang uto-uto talaga ako?

“Business,” wika niya, dahilan para tumango ako.

Lumingon siya kay Vaughn, ngunit hindi ko siya nagawang gayahin. Kaya pinili ko na lamang na lingunin ang swimming pool, kahit ramdam kong nakatuon pa rin sa akin ang atensyon ni Vaughn. 

“Mabuti naman at nakapunta ka ngayon?” usisa ni Calix kay Vaughn. “Palagi ka pa namang busy.”

Hindi na ako nagpaalam sa kanilang dalawa. Pinili ko na lamang na maglakad palayo para kahit papaano ay makahinga naman ako nang maayos.

“I cancelled my schedule today,” maikling paliwanag ni Vaughn, at hindi na sinundan pa.

Natawa naman nang mahina si Calix sa sinabi ni Vaughn. Ngunit bago pa ako tuluyang makalayo, narinig ko ang tanong ni Vaughn. Hindi ko alam kung sinadya ba niyang lakasan ‘yon para iparinig sa akin, o ano.

“How’s your dirty work?”

Sinubukan kong umakto na parang walang narinig, kahit na alam kong sinusundan ako ng tingin ni Vaughn.

Naghintay ako nang ilang segundo, ngunit wala akong narinig na sagot kay Calix kung hindi ay pagtawa lamang.

Hindi ko tuloy alam kung biro lamang ba ni Vaughn ‘yon, o ano. Iba kasi ang tawa ni Calix.

Narinig ko pang nagsalita si Calix no’n. Hindi ko sigurado kung sinagot ba niya ang tanong ni Vaughn, dahil mahina na ang boses nila.

“Preoccupied, huh?”

Napalingon ako kay Vaughn nang mahanap na naman niya ako.

Halos isang oras pa lang ang nakalipas, ngunit hindi man lang niya ako bigyan ng pagkakataon para makapag-isip nang maayos.

“Bakit ka nandito?” malamig na tanong ko sa kaniya, habang pinapanood siyang buksan ang pineapple juice.

Ipinilig niya ang kaniyang ulo nang bahagya, at inilapag sa harapan ko ang pineapple juice na dala niya.

Napakurap ako, at ibinigay niya sa akin ang inuming para sana sa kaniya. 

“You’re alone. Baka kailangan mo ng kasama. Busy ang fiancé mo, eh.”

Hindi na ako sumagot. Pinili ko na lamang na tingnan ang alon, habang pilit na inaayos ang buhok ko. 

Nasa isang cottage kami ngayon, at hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang tanong ni Vaughn kanina.

Dirty work.

Joke lang ba talaga ‘yon, o hindi?

Napabalik ako sa reyalidad nang maramdaman ko ang kamay ni Vaughn sa aking hita.

Nanlaki ang aking mga mata, at kaagad na sinulyapan si Vaughn, balak na sana siyang sigawan. Ngunit bigla niya akong sinalubong nang marahas, at mapang-angkin niya akong hinalikan, na para bang nakalimutan niyang boyfriend ko ang kaibigan niya. 

Hindi ako makagalaw. Para akong natuod sa aking kinauupuan, habang patuloy siya sa paghalik sa akin.

“Vaughn…” daing ko nang matauhan ako.

Kinagat lamang niya ang aking ibabang labi, hanggang sa naramdaman ko ang kaniyang kamay sa likod ng aking ulo—pilit akong idinidiin sa kaniya.

“Tumigil ka…” hinihingal kong sambit, hanggang sa ipinasok niya ang kaniyang dila sa aking bibig.

Napasinghap ako, at hindi napigilang umungol. Lumipad ang aking mga kamay sa kaniyang dibdib para sana itulak siya palayo sa akin.

Ngunit hindi ko naman inaasahan na hahawak ako nang mahigpit sa kaniyang damit.

“Fuck!” he groaned.

Bumaba ang kaniyang halik papunta sa aking panga. Napatingala ako, at pilit hinahabol ang aking hininga.

Nawala sa isip ko si Calix. Parang hindi ko kilala ang sarili ko ngayon, at hinahayaan ko ang lalaking ‘to na halikan ako, at hawakan.

Puwede ko siyang itulak kanina, ngunit bakit hindi ko nagawa? Bakit parang sumusunod ang katawan ko kay Vaughn.

“Liana?”

Para akong nabuhusan nang malamig na tubig nang marinig ko ang pagtawag ni Calix sa akin sa hindi kalayuan.

Buong lakas kong itinulak palayo si Vaughn. Napaatras naman siya, at kaagad akong binitawan.

Nang magtama ang aming mga mata, napansin ko ang namumula ang kaniyang labi. Parang namamaga, habang mabigat ang paghinga niya. 

“Nasaan ka?” mababang boses na tanong ni Calix, hanggang sa bigla kong inayos ang aking sarili, at inilihis ang aking mga mata.

Inabot ko ang pineapple juice na ibinigay sa akin ni Vaughn kanina, at mabilis ‘tong ininom.

Inilapag ko ang lata ng pineapple juice saka tumikhim.

“Nandito lang,” sagot ko.

Hindi nagtagal, dumating kaagad si Calix, at napansing nasa tabi ko muli si Vaughn.

“Napapadalas yatang magkasama kayo?” nakangiting puna ni Calix, ngunit natigilan ako sa kaniyang sinabi. “Hindi na ba kayo parang aso’t pusa?”

Narinig ko ang pagtawa ni Vaughn sa aking tabi na parang wala siyang ginawang kasalanan.

“Aso’t pusa pa rin,” sagot ni Vaughn, at sumulyap sa akin na kaagad ko namang sinalubong. “Right, Liana?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Lihim na Kasalanan (SSPG)   Kabanata 5 - Knock

    Liana Maeve Guevarra’s Point of ViewDahil sa sinabi niya, para akong biglang natauhan kaya buong lakas ko siyang itinulak, ngunit hindi niya ako binitawan. Sa halip, mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin, habang nakatitig nang mariin. “Gusto sana kitang halikan, pero baka biglang dumating ang boyfriend mo,” saad niya, at natawa nang mahina, habang dahan-dahan akong ibinaba.Hindi niya kaagad inalis ang kaniyang bisig sa aking baywang, at siniguro niya munang kaya kong tumayo nang maayos.Dahil sa narinig ko, lalo akong nawalan ng lakas kaya mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kaniyang damit. Kaya humigpit ang pagkahihila ko sa kaniyang damit.“Oh…” bulong niya, at inilapit ang kaniyang mukha sa akin. “So, you like that idea, huh?”Mabilis akong napaatras, ngunit nang muling sumayad sa pinto ang likod ng aking ulo, napasinghap ako.Umangat ang sulok ng kaniyang labi, at tiningnan ako nang mariin. Marahan niyang inilapit ang katawan niya sa akin, hanggang sa wala nang natirang

  • Lihim na Kasalanan (SSPG)   Kabanata 4 - Doubt

    Liana Maeve Guevarra’s Point of ViewNapahilamos ako ng aking mukha. Matapos ang nangyari kanina sa cottage, pinili kong magkulong na lang sa room namin ni Calix.Hindi ko kayang makita si Vaughn. Matapos naming gawin ’yon—ang maghalikan—paano ko pa siya haharapin? “Bakit ko ba siya hinayaan?” bulong ko, habang nakatitig sa kisame.Kinagat ko nang mariin ang aking ibabang labi, at wala sa sariling napahawak sa aking leeg.Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang kamay ni Vaughn sa leeg ko. Maging sa katawan ko, parang hindi ko magawang kalimutan ‘yon.Narinig ko ang pagbukas ng pinto, ngunit hindi ako gumalaw para lingunin siya. Nanatili lang ang aking mga mata sa kisame, at tinanggal ang aking kamay sa leeg ko.“Iniisip mo ba kung paano ko hawakan ang leeg mo kanina, habang hinahalikan kita?” tanong nang isang pamilyar na boses.Nanlaki ang aking mga mata, at mabilis na napaupo sa kama. Natagpuan ko si Vaughn na nanatiling nakatayo sa harap ng pinto, nakahilig ang kaniyang balikat sa p

  • Lihim na Kasalanan (SSPG)   Kabanata 3 - Almost

    Liana Maeve Guevarra’s Point of View“Liana,” tawag sa akin ni Calix, kaya napalingon ako sa kaniya. “Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap.”Lumingon si Calix kay Vaughn, habang nanatili pa rin akong nakatitig kay Calix.“Ano ang pinag-uusapan niyo?” usisa ni Calix.Mabilis naman akong lumapit kay Calix, at niyakap ang kaniyang bisig. Ramdam kong sinusundan ako ng tingin ni Vaughn.“Wala naman…” sagot ko, at sinulyapan si Vaughn na nakatingin na pala kay Calix.Wala akong mabasang emosyon sa mga mata niya. Tumayo siya nang tuwid, at ibinulsa ang kaniyang mga kamay.“Parang ang seryoso niyo kasing dalawa.”Hindi ako makasagot. Nanatili pa rin kasi sa aking isipan ang tanong ni Vaughn kanina.Ang tanging nagawa ko lang ay tumawa nang mahina, habang nakatingin lang si Vaughn sa amin.“Katatapos mo lang makipag-usap sa tumawag sa ‘yo?” tanong ko sa kaniya.Dahan-dahan naman siyang lumingon sa akin. Kaya napabitaw ako sa pagkakayakap sa bisig niya.Hinalikan naman niya ang aking

  • Lihim na Kasalanan (SSPG)   Kabanata 2 - Blind

    Liana Maeve Guevarra’s Point of View“Bakit ba palagi siyang sumasama?” tanong ko kay Calix nang muli kong mamataan si Vaughn sa malayo, nakatitig sa dalampasigan.Nang maramdaman niya ang tingin ko, sinalubong niya ‘to, at tiningnan ako na para bang wala siyang naging kasalanan sa akin kagabi.Umigting ang aking panga, at wala sa sariling naikuyom ko ang aking kamao. Ibinalik ko ang atensyon ko kay Calix, ngunit ang atensyon niya ay nasa kaniyang cellphone.“Bakit? Kaibigan ko naman siya,” paliwanag ni Calix, at binalingan ako. “Isa pa, palagi ko namang kasama ang iba naming kaibigan. Kaya wala ka dapat ikabahala.”Napailing ako, at bahagyang lumayo sa kaniya. Hindi man lang ba siya makaramdam na ayaw ko kay Vaughn? I hate him!Ibinalik ni Calix ang kaniyang atensyon sa cellphone niya nang tumunog ‘to. Hindi na siya nagpaalam sa akin bago sagutin ang tawag at basta na lamang umalis. “Iniwan ka na naman,” saad ng pamilyar na boses.Humugot ako nang malalim na hininga, at dahan-dahang

  • Lihim na Kasalanan (SSPG)   Kabanata 1 - Chase

    Liana Maeve Guevarra’s Point of View“Hindi ka ba sanay na may nakatingin sa ‘yo?”Napalingon kaagad ako sa kaniya, at napansin na may hawak siyang kopita. Marahan niya ‘tong iniikot, habang nakatingin sa akin nang mariin.Inilihis ko ang aking mga mata nang dumampi sa akin ang kaniyang bisig. Pinili ko lamang na tingnan si Calix sa malayo, habang nakipag-uusap sa mga kakilala niyang businessman.“Lumayo ka,” bulong ko, sapat na para marinig niya ang aking sinabi.“Bakit ako lalayo, Liana?” mababang boses niyang sambit, hanggang sa naramdaman ko ang kaniyang mainit na kamay sa aking likuran.I’m wearing a backless dress. Kaya ramdam ko ang init na nagmumula sa kaniyang kamay.Wala sa sarili kong kinagat ang aking dila para pigilan ang aking sarili sa pagmura.Nasa sulok lang naman kami ng function hall, at walang tao sa aming gawi. Hindi rin masyadong maliwanag sa gawi namin kaya kahit may lumingon sa amin, hindi nila kami makita. “Tell me.”“May fiancé ako,” sambit ko, at naikuyom a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status