Masuk“Alam mong mali ‘to. Bakit hindi mo ako pinipigilan?” bulong ni Vaughn. Si Liana Maeve Guevarra ay naghahanda na para sa nalalapit niyang kasal kay Calix Vergara. Madalas niya ring nakasasalamuha ang isa sa mga kaibigan ni Calix—si Vaughn Severin Vieri, isang Lieutenant ng security firm ng Vieri. Sa tuwing may gaganaping pagtitipon, palagi niya ‘tong namamataan sa malayo, at natatagpuan niyang nakatingin ‘to sa kaniya nang mariin. “Talaga? Hindi ka natatakot?” malamig, ngunit may bahid ng hamon sa tinig ni Vaughn, at bahagyang ipinilig ang kaniyang ulo. Akala ng lahat, perpekto ang relasyon nila ni Calix. Ngunit nang mas makilala niya si Vaughn, unti-unting nagbago ang lahat. Nagsimula siyang magduda sa lalaking pakakasalan niya, habang lalo naman siyang naaakit sa lalaking dapat niyang kinamumuhian. “Tapusin mo na ang relasyon mo kay Calix kung ayaw mong siya ang tapusin ko, Liana,” napapaos na pahayag ni Vaughn. Paano kung ang galit nila sa isa’t isa ang magtulak para gumawa ng kasalanan? Isang lihim na hindi puwedeng ipagsabi.
Lihat lebih banyakLiana Maeve Guevarra’s Point of View
“Hindi ka ba sanay na may nakatingin sa ‘yo?”
Napalingon kaagad ako sa kaniya, at napansin na may hawak siyang kopita. Marahan niya ‘tong iniikot, habang nakatingin sa akin nang mariin.
Inilihis ko ang aking mga mata nang dumampi sa akin ang kaniyang bisig. Pinili ko lamang na tingnan si Calix sa malayo, habang nakipag-uusap sa mga kakilala niyang businessman.
“Lumayo ka,” bulong ko, sapat na para marinig niya ang aking sinabi.
“Bakit ako lalayo, Liana?” mababang boses niyang sambit, hanggang sa naramdaman ko ang kaniyang mainit na kamay sa aking likuran.
I’m wearing a backless dress. Kaya ramdam ko ang init na nagmumula sa kaniyang kamay.
Wala sa sarili kong kinagat ang aking dila para pigilan ang aking sarili sa pagmura.
Nasa sulok lang naman kami ng function hall, at walang tao sa aming gawi. Hindi rin masyadong maliwanag sa gawi namin kaya kahit may lumingon sa amin, hindi nila kami makita.
“Tell me.”
“May fiancé ako,” sambit ko, at naikuyom ang aking kamay. “Baka sapat na ‘yan para layuan mo ako?”
“I’m his friend.”
“And?” tanong ko nang nawawalan ng pasensya. “Kailangan ba nakahawak ka sa likod ko?”
Dahan-dahan niyang hinaplos ang aking likod na siyang ikinatigil ko. Nanlaki ang aking mga mata, at nahigit ang aking hininga.
“Wala namang makakaalam.”
“Vaughn…”
Tumawa siya nang mahina, at pinagapang ang kaniyang kamay sa aking baywang para roon naman ako haplusin. Sinadya pa niyang ipasok ‘yon sa suot kong dress. Kaya ramdam ko ang init ng palad niya roon.
“Walang makakikita.”
Humigpit ang pagkahahawak ko sa aking purse, at parang mamumuti na rin ang aking kamay. Sinubukan kong maging kalmado na parang walang nangyayaring kung ano sa pagitan namin ni Vaughn. Ngunit kahit ano ang aking gawin, patuloy pa rin siya sa paghaplos sa aking baywang.
“Vaughn, tumigil ka.”
Naramdaman ko ang pag-atras niya, at ang pagpuwesto niya sa aking likod kasabay ng paggapang muli ng kaniyang kamay papunta sa aking tiyan.
Nanlaki ang aking mga mata, at napaawang ang aking labi. Hindi ko maipaliwanag ang aking mararamdaman lalo pa’t hindi niya ako hinahawakan sa ibabaw ng dress ko. Talagang ipinasok niya ang kaniyang bisig sa dress ko, at hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat, dahil madilim sa gawi namin.
“Bakit? Hindi ka rin ba sanay na hinahawakan ka rito?” tanong niya.
Isinandal niya ang likod ko sa kaniyang dibdib. Kaya napapikit ako nang mariin, at napahugot nang malalim na hininga.
Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili, at napamulat na lamang para hanapin si Calix. Nang makitang medyo malayo siya sa amin, at walang nakatingin sa aming gawi, kinagat ko ang aking dila para pigilan ang sarili sa paglikha ng kung anong tunog.
“Kanina ka pa niya hindi nilalapitan,” puna niya sa kabila ng katahimikan na namayani sa aming dalawa. “Ganiyan ba talaga siya sa ‘yo? Fiancée ka niya. Dapat hindi ka niya iniiwang mag-isa.”
“Kailangan niyang makipag-usap sa kanila,” depensa ko kaagad, ngunit natawa lang siya nang mahina.
“Kung ako ang may girlfriend, hindi ko siya iiwan nang mag-isa. Isasama ko siya, habang nakikipag-usap sa kung sino-sino,” saad niya, hanggang sa naramdaman ko ang kaniyang ilong sa aking ulo. “At kung pagod na siya, babalik kami sa table namin. Bubuhatin ko pa.”
“Pero wala kang girlfriend,” sambit ko, at dinilaan ang aking labi. “Kawawa ka naman.”
Tumawa siya nang mahina. “Ako pa ang kawawa? Ikaw nga ang iniiwan dito, Liana.”
Tumigil siya sa paghaplos sa aking tiyan, ngunit naging marahas ang paghawak niya roon. Bumaon ang kaniyang mga daliri sa aking balat, at hindi ko alam kung bakit tila may gumapang na kuryente kaya napasinghap ako.
“Dapat kang maawa sa sarili mo, Liana. Huwag sa akin,” bulong niya, at ibinaba ang hawak niyang kopita sa mesa na nasa harapan namin.
Yumuko siya nang bahagya, dahilan kung bakit naramdaman ko ang init ng kaniyang hininga sa likod ng aking tainga, at sa aking leeg.
“Kasi ako, kaya kong tratuhin nang maayos ang magiging girlfriend ko,” saad niya, at bahagya niyang hinalikan ang aking tainga. “Eh, ikaw? May boyfriend ka nga—fiancé mo pa, pero hindi ka matrato nang maayos.”
“You’re insane!” nanggigigil kong wika, at nilingon siya.
Umangat lang ang sulok ng kaniyang labi, at iniangat ang kaniyang kamay para abutin ang aking leeg. Pumulupot ang kaniyang mga daliri roon, at tiningnan ako nang malamig.
“Am I?”
Itinulak ko ang kaniyang kamay sa aking leeg, at mabilis na inilibot ang aking mga mata sa buong paligid.
“Walang nakakakita sa atin dito,” bulong niya, ngunit hindi ko siya pinakinggan. “Madilim. Puwedeng-puwede kong gawin ang gusto kong gawin sa ‘yo.”
“Hindi ka talaga titigil?” mariin kong bulong, sapat na para marinig niya.
“Bakit ako titigil? Dahil kaibigan ako ng fiancé mo?” tanong niya, at marahang kinagat ang aking tainga. “O dahil may makakikita sa atin dito?”
Kinagat ko ang aking labi nang itinulak ako paharap ni Vaughn sa table. Mabilis kong itinukod ang aking kamay roon para hindi ako mapasubsob.
Inalis ni Vaughn ang kaniyang bisig sa loob ng aking damit, at hinawakan na lamang ako sa balakang.
“Ano ba ang ginagawa mo?” nanggigigil kong tanong, at sinubukang tumayo nang maayos.
Ngunit idiniin lamang niya ang kaniyang sarili sa aking puwet, dahilan kung bakit napaawang ang aking labi.
“Tingin mo, Liana? Ano?”
Nanginig ang aking mga kamay, habang pinipilit kong alisin ang kaniyang kamay sa aking balakang.
“Lumayo ka sa akin!”
“Bakit naman ako lalayo sa ‘yo, Liana?” tanong niya, at natawa nang pagak. “Bigyan mo ako ng dahilan para lumayo sa ‘yo.”
Hinarap ko siya, at tiningala. Ngunit mabilis lamang niya akong niyakap bago ko pa siya maitulak.
Yumuko siya nang bahagya, at hinaplos ang pisngi ng aking puwet nang hindi inililihis ang kaniyang mga mata.
“Kasi kapag wala kang maibigay na dahilan sa akin, hahabulin pa rin kita,” bulong niya.
Bumaba ang kaniyang mga mata sa aking labi, ngunit mabilis din niyang ibinalik sa akin ang atensyon niya.
“Kaya galingan mong tumakbo, Liana. Dahil kapag nahabol kita, sisiguraduhin kong buburahin ko lahat ng taong susubukan kang agawin sa akin.”
Liana Maeve Guevarra’s Point of ViewDahil sa sinabi niya, para akong biglang natauhan kaya buong lakas ko siyang itinulak, ngunit hindi niya ako binitawan. Sa halip, mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin, habang nakatitig nang mariin. “Gusto sana kitang halikan, pero baka biglang dumating ang boyfriend mo,” saad niya, at natawa nang mahina, habang dahan-dahan akong ibinaba.Hindi niya kaagad inalis ang kaniyang bisig sa aking baywang, at siniguro niya munang kaya kong tumayo nang maayos.Dahil sa narinig ko, lalo akong nawalan ng lakas kaya mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kaniyang damit. Kaya humigpit ang pagkahihila ko sa kaniyang damit.“Oh…” bulong niya, at inilapit ang kaniyang mukha sa akin. “So, you like that idea, huh?”Mabilis akong napaatras, ngunit nang muling sumayad sa pinto ang likod ng aking ulo, napasinghap ako.Umangat ang sulok ng kaniyang labi, at tiningnan ako nang mariin. Marahan niyang inilapit ang katawan niya sa akin, hanggang sa wala nang natirang
Liana Maeve Guevarra’s Point of ViewNapahilamos ako ng aking mukha. Matapos ang nangyari kanina sa cottage, pinili kong magkulong na lang sa room namin ni Calix.Hindi ko kayang makita si Vaughn. Matapos naming gawin ’yon—ang maghalikan—paano ko pa siya haharapin? “Bakit ko ba siya hinayaan?” bulong ko, habang nakatitig sa kisame.Kinagat ko nang mariin ang aking ibabang labi, at wala sa sariling napahawak sa aking leeg.Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang kamay ni Vaughn sa leeg ko. Maging sa katawan ko, parang hindi ko magawang kalimutan ‘yon.Narinig ko ang pagbukas ng pinto, ngunit hindi ako gumalaw para lingunin siya. Nanatili lang ang aking mga mata sa kisame, at tinanggal ang aking kamay sa leeg ko.“Iniisip mo ba kung paano ko hawakan ang leeg mo kanina, habang hinahalikan kita?” tanong nang isang pamilyar na boses.Nanlaki ang aking mga mata, at mabilis na napaupo sa kama. Natagpuan ko si Vaughn na nanatiling nakatayo sa harap ng pinto, nakahilig ang kaniyang balikat sa p
Liana Maeve Guevarra’s Point of View“Liana,” tawag sa akin ni Calix, kaya napalingon ako sa kaniya. “Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap.”Lumingon si Calix kay Vaughn, habang nanatili pa rin akong nakatitig kay Calix.“Ano ang pinag-uusapan niyo?” usisa ni Calix.Mabilis naman akong lumapit kay Calix, at niyakap ang kaniyang bisig. Ramdam kong sinusundan ako ng tingin ni Vaughn.“Wala naman…” sagot ko, at sinulyapan si Vaughn na nakatingin na pala kay Calix.Wala akong mabasang emosyon sa mga mata niya. Tumayo siya nang tuwid, at ibinulsa ang kaniyang mga kamay.“Parang ang seryoso niyo kasing dalawa.”Hindi ako makasagot. Nanatili pa rin kasi sa aking isipan ang tanong ni Vaughn kanina.Ang tanging nagawa ko lang ay tumawa nang mahina, habang nakatingin lang si Vaughn sa amin.“Katatapos mo lang makipag-usap sa tumawag sa ‘yo?” tanong ko sa kaniya.Dahan-dahan naman siyang lumingon sa akin. Kaya napabitaw ako sa pagkakayakap sa bisig niya.Hinalikan naman niya ang aking
Liana Maeve Guevarra’s Point of View“Bakit ba palagi siyang sumasama?” tanong ko kay Calix nang muli kong mamataan si Vaughn sa malayo, nakatitig sa dalampasigan.Nang maramdaman niya ang tingin ko, sinalubong niya ‘to, at tiningnan ako na para bang wala siyang naging kasalanan sa akin kagabi.Umigting ang aking panga, at wala sa sariling naikuyom ko ang aking kamao. Ibinalik ko ang atensyon ko kay Calix, ngunit ang atensyon niya ay nasa kaniyang cellphone.“Bakit? Kaibigan ko naman siya,” paliwanag ni Calix, at binalingan ako. “Isa pa, palagi ko namang kasama ang iba naming kaibigan. Kaya wala ka dapat ikabahala.”Napailing ako, at bahagyang lumayo sa kaniya. Hindi man lang ba siya makaramdam na ayaw ko kay Vaughn? I hate him!Ibinalik ni Calix ang kaniyang atensyon sa cellphone niya nang tumunog ‘to. Hindi na siya nagpaalam sa akin bago sagutin ang tawag at basta na lamang umalis. “Iniwan ka na naman,” saad ng pamilyar na boses.Humugot ako nang malalim na hininga, at dahan-dahang
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.